Nagising ako na masama ang pakiramdam. Pinilit ko pa ring bumangon sa kabila nang sakit na naramdaman ko. Sobra akong nanghihina at halos hindi ko maihakbang ang mga paa. Kahapon pa ako pabalik-balik sa banyo. Naghalo ang lahat ng sakit sa ulo, sa tiyan. Buong katawan ko lupaypay at hirap akong maglakad. Nahihilo na rin ako. Nanunuyo ang aking lalamunan. Hindi ako puwedeng magkasakit. Walang ibang mag-aalaga sa sarili ko kundi ako lang. Kailangan kong gumawa ng mga gawain, katulad ng pagluluto nang sa ganoon makakain ako. Kailangan kong lumaban. Kahit nahihilo, bumaba pa rin ako. Gutom, pagod at panghihina ang naramdaman ko sa araw na 'yon. Pagkarating ko sa kusina nanguha ako ng lulutuin sa ref. Hilong-hilo na ako. Ilang beses rin akong sumuka sa lababo. Pagkatingin ko sa refrige