On that day, hindi ako lumabas ng kuwarto. Nakatunganga lang ako roon hanggang sa gumabi. Nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok. Boses ni Peter ang narinig ko. He called me telling me that I should open the door. Hindi ako umimik at nakatingin lang ako sa pintuan. Hanggang sa tumigil ang pagkatok roon. Ilang minuto lang, narinig ko ang pag-click ng pintuan hudyat na nawala na ang lock nito. Sumunod namang bumukas ang pintuan. Tinalikuran ko ito at nagkunwaring natutulog. I closed my eyes tightly. Pinakinggan ko naman ang bawat yapak ng tsinelas palapit sa akin. Naramdaman ko ang pag-uga ng kama hudyat na may umupo sa tabi ko. Tikom nang mariin ang bibig ko, hindi ako halos humihinga. Alam kong si Peter ang pumasok. Wala pa ako sa huwisyo na kausapin siya. I'm still upset abou