Kanina ko pa pinipigilan ang sarili na hindi magwala habang papasok ako ng gate namin. Punong-puno sa galit ang puso ko ngayon.
This emotions of mine can kill me instantly because of worried that I am so stupid para maging pariwara ako sa buhay.
Hanggang ngayon na-trauma ako sa nangyari kagabi. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Aldwin na kamuntikan na akong ma-rape sa isang lalaking hindi ko naman kilala. Natatakot akong sabihin sa kanya na sumama ako sa isang lalaking nakilala ko lang sa bar.
Ayaw kong mag-iba ang tingin niya sa akin. Natatakot akong hiwalayan niya dahil sa nagawa kong mali. Nanginginig ako bigla.
Pinahid ko ang labi nang maraming beses. Pauwi sa bahay namin. Ginagawa ko na ito. Nahalikan ako ng lalaking 'yon. Hindi lang 'yan, ang maselan kong bahagi ay nahaplos niya habang...umungol naman ako.
And it's kind of frustrating thingking that I was moaning to make him turn on. I can't imagine myself being slave by my desire.
"Wala... Walang nangyaring ganoon. Lasing ako! Wala akong kasalanan sa relasyon namin ni Aldwin! Hindi ko sinadya!"
Iyan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili habang pauwi sa amin. Nagpahatid ako sa driver niya. Hindi ko na siya makita noong makaalis na ako. Hindi ko na rin kayang makipag-usap pa sa aroganteng lalaking 'yon. Kapag nakakaharap ko siya, naalala ko lang ang nangyari.
Kahit ano'ng pilit kong kalimutan ang pagdikit ng katawan namin kagabi habang walang saplot. Nandidiri pa rin ako sa sarili ko. Gusto kong maligo ngayon ng mainit sa bath tab upang mawala ang laway at paghawak ng estrangherong 'yon sa katawan ko.
I don't think... Maamin ko ito kay Aldwin. Siguro itatago ko na muna ito. At least hindi pa rin nakuha ang virginity ko right?
Walang nangyari sa amin noong lalaking 'yon. Lahat ng paghawak niya sa katawan ko ay dala lang ng kalasingan. Iniingatan ko pa naman ito. Gusto kong ibigay kay Aldwin ang virginity ko kapag kasal na kaming dalawa. I was born being sensitive. But right now... I don't know. Nakakabaliw mag-isip ng tama. Nagkasala ako sa relasyon namin.
"At saan ka natulog kagabi Sariyah Monique! Bakit ngayon ka lang nakauwi!" boses ni Mommy ang bumungad sa akin sa sala nang makapasok ako sa bahay namin.
Natigil ako sa dire-diretsong paglalakad paakyat sa hagdanan. Tinanaw ko siya sa sala.
May dala siyang wine sa kamay habang nakaupo sa puti naming couch. Hindi siya ngumiti. She looks angry. Nakaramdam ako ng takot. Sa mga titig pa lang ni Mommy sa akin, alam kong labis ang pag-alala niya sa akin kagabi. Nagtitimpi rin siya ng kanyang galit. But she can't control her emotions.
Winaglit ko na muna sa isipan ang nangyari kagabi dahil may tao pa lang naghihintay sa pagdating ko. Obviously, she needs my explanation.
Tumikhim ako. Naalala kong dahil pala sa kanila ni Daddy kaya napapariwara ako kagabi. Nalasing ako at sa kung kani-kaninong bahay na lang natutulog.
"I sleep last night with my best friends house," pagsisinungaling ko pa.
Sasabihin ko sana na kay Ashley ako natutulog kagabi pero...
"And who is your best friend? Bukod kay Ashley? I keep on calling your phone pero hindi ka sumasagot. I called your friend and she told me na hindi ka niya kasama. Pumunta ka pa talaga sa bar nila para doon uminom? Kailan ka pa natutong uminom?!"
Natigilan ako sandali upang pagmasdan si Mommy ngayon na nangalaiti sa galit. Hindi siya ang tipong nanenermon sa akin. Nagsasabi lang siya ng maayos kapag may mali akong nagawa.
Pero ngayon... iba ang pinapakita niya. My mommy is something when she gets mad. Kapag siya naman ang kinalaban mo. Hindi ka niya titigilan hangga't hindi masagot ang mga tanong niya.
Umayos ako sa pagkakatayo. Naglakad ako palapit sa kanya.
"I want to unwind myself from the problem kaya ako uminom kagabi!"
"That's too childish, Ariyah! What kind of explanation is that? Hindi alak ang solusyon sa problema. I didn't teach you to drink! Iyan na ba ang ang napapala mo sa pagsama mo sa best friend mong si Ashley? Siya ba ang nagturo sa'yong uminom!"
Nagkasalubong ang kilay ko.
"No, Mom... Walang masamang impluwensiya sa akin ang kaibigan ko."
"The why are you drinking then? Hindi gawain sa matinong babae ang pag-inom..this is your first time na umuwi ng umaga!"
Huminga ako ng malalim. I want to calm myself. Ayaw kong sinasagot si Mommy ng hindi maganda. She's still my mother. I need to respect her.
"I was so problematice Mom... Dahil sa narinig ko sa inyo ni Daddy na ipapakasal niyo ako sa isang taong hindi ko naman kilala. Napilitin akong uminom kagabi. Gusto kong kalimutan ang fix marriage? To be honest, gusto ko nang umalis sa bahay na ito. I wanna live alone!" I frustratedly said. Nanghihina ang katawan ko at gusto ko na lang humilata sa kama at umiyak buong araw. Nagdadalamhati ako sa mangyayari sa akin.
Tumayo si Mommy sa kanyang pagkaka-upo sa couch. Tinapos niya muna ang pag-inom sa wine glass bago niya nilagay sa centered table.
Nakakatakot ang aura niya ngayon dahil sa suot niyang itim na dress at isang itim rin na high heels. Mapula ang kanyang labi, mapupungay ang mga mata. Hinarap niya ako ng maigi.
Walang mababakas na emosyon ang kanyang mukha.
"Sa ginawa mo ngayong pagrirebelde. At may balak ka pa lang lumayas. Kaya ba hindi ka umuwi kagabi?"
"Yes!" diretsahan kong sabi. Gusto kong gampanan ang sinasabi niyang pagrerebelde ko. "Gusto ko sanang umalis kagabi at maglayas. Nakalimutan kong wala nga pala akong dami—"
"If that's the case iha... You are giving me a reason to agree with the decision of your father..Gusto ko na lang sumang-ayon sa daddy mo na ipakasal ka sa kasosyo sa negosyo namin," mariin niyang wika. Pinanliitan niya pa ako ng mata. "Ayaw ko sanang maikasal ka pero gusto kong turuan ka ng leksyon. Gusto mo pa lang umalis? Dream on, iha. Hinding-hindi mangyayari ang gusto mo. You are grounded until your wedding will be settled."
Nanlaki ang mga mata ko sa pagbabanta ni Mommy. Hindi ko alam ang magiging reaksyon. Nanginginig bigla ang kalamnan ko sa bawat bigkas na sinasabi niya.
Gusto ko pa ring manlaban kaya taas-noo akong tumingin sa kanya.
"Ayaw ko, Mom! Hindi ako magpapakasal!" Nanginginig sa takot ang boses ko.
"Wala ka ng magagawa, iha. Mamayang gabi... Hindi ba magkakaroon tayo ng dinner? Magkikita kayo ng papakasalan mong lalaki sa dinner na 'yon. Make sure na pupunta ka. I will forgive you this time. Make sure na hindi na ito mauulit. Dito ka lang sa bahay natin hanggang gabi. Ipapasundo kita sa driver natin upang dalhin ka sa restaurant."
Tinalikuran na ako ni Mommy para lumabas na sa bahay. May bodyguards pang sumalubong sa kanya para dalhin ang kanyang bag.
Sinundan ko siya pa labas. Nangingilid ang luha ko sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko matanggap na makakaya niyang gawin sa akin ito.
"Mommy! Ayaw kong magpakasal... Ako na ang bahala sa Company natin! Kung gusto niyo pala ng pera... Ako na ang maghahanap ng paraan Basta huwag niyo lang akong ipakasal sa taong wala naman akong gusto!"
Pinagbuksan na siya ng pintuan ng sasakyan. Huminto siya sa paglalakad para harapin ako sandali.
"Are you sure kaya mong dalhin ang Company natin? Umalis ka nga kahapon kahit hindi ka pa nagsimula sa trabaho? Pinakilala pa lang kita sa mga empleyado at sa mga ka shareholders. But what you were doing? Tinakasan mo ang pagiging acting CEO."
"M...mom... I am so sorry. Hindi na ito mauilit pa. Aayusin ko na ang trabaho ko." Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito nang mariin. Nangungusap ang mga mata ko na nag-uunahan sa pagpapatakan ng luha.
She shook her head. Kinuha niya ang kamay niya.
"Hindi na kita kayang pagkakatiwalaan. Hindi ba't ngayong araw? Imbes na magtrabaho ka ng maaga sa Company natin. Ano'ng ginawa mo? Hindi ka umuwi kagabi? Magdamag kang naglakwatsa. You're just waisting my time, iha! You disappoint me on your attitude! You're irresponsible daughter!"
Nanlaki ang mata ko sa walang kapigil-pigil niyang pananalita. Parang na durog ang puso ko ngayon.
"Mom... Bakit ang bilis niyo lang na i-judge ako? Isang araw lang naman ako nagkamali dahil masama ang loob ko sa inyo ni Daddy kahapon! Umalis ako dahil gusto kong makapag-isip-isip. It doesn't mean na pababayaan ko na ang negosyo niyo! I am true to my words... Ako na ang bahala."
Ang kaninang luha na pinipigilan ko. Bigla na lamang naglandasan sa pisnge ko nang sunod-sunod.
Ang sakit magsalita ni Mommy. Parang hindi niya ako anak. Porket iniwan ko lang ang Company kahapon. Ganito na agad ang tingin niya sa akin? Sasabihan niya agad ako na irresponsibleng anak.
"That's nonsense alibi, Riyah! Hindi mo na gampanan ang pagiging CEO kahapon. Hindi mo kayang dalhin ang negosyo kong magpapadala ka sa emosyon mo. Mas malulugi lang ang Company na iniingatan namin ng ilang taon ng daddy mo. We protected our business at all cost, para lang hindi malugi. Ayaw kong dumating sa puntong dahil sa kapabayaan mo. Mawawala ng tuluyan ang Company na pinipilit kong binubuhay."
"Ako, Mom. Kaya ko just give me a chance. Aayusin ko na ang trabaho ko. Hindi na ako aalis. Gampanan ko na ang pagiging CEO ng Company."
"It's too late now, iha. I already fix my mind. You're daddy is right... Mas mabuting ipambayad ka na lang sa utang namin para mapakinabangan ka bilang anak. Kay sa bigyan mo pa kami ng sakit sa ulo. Kailangan mo ng matali sa isang tao para hindi ka magtangkang umalis sa puder namin. You can't leave in this house... Until you will tie the knot."
Tuluyan na niya akong iniwan. Nawala yata ako sa sarili sa mga panahon na 'yon dahil hindi ako makapag-isip ng tama.
It can't be right? Ayaw kong makasal! Hindi ko gustong maging pariwara na lang. Dinagdagan lang ni Mommy ang mabigat sa pusl ko.
Gustohin ko mang tumakas sa mga panahon na 'yon pero nakita kong may maraming mga bodyguards sa labas ng bahay namin. They were looking at me na para bang binabantayan nila ako upang hindi ako makatakas.
Now... What I am going to do? Should I follow my mom's said?
***
Napahawak ako sa balikat ni Aldwin nang binuhat niya ako na para bang bagong kasal patungo sa aming silid. Napahiyaw ako sa gulat.
I was laying on the lounger. Nakatulog ako roon, nagising lang nang binuhat niya ako bigla.
"Where are you taking me?" I asked confused.
"I will put you in our room. Mas makakatulog ka roon ng maayos."
Nakatitig lang ako sa mukha niya habang inaalala ko ang nakaraan. Bigla akong na-guilty habang pinakatitigan ko siya ngayon. Hindi ko alam kung alam niya ba ang nangyari sa akin noon? Alam niya bang kamuntikan nang makuha ang virginity ko sa isang estranghero.
Kahit bumabalik na nang paunti-unti ang ala-ala ko ang dami pa ring katanongan sa isipan ko. While I was sleeping earlier. The sudden memories came back into my head.
Una sa lahat hindi ko maalala ang taong estranghero na 'yon. Blured ang mukha niya sa tuwing bumabalik sa isipan ko kung na saan ako ngayon. Sa tuwing nagising ako, nalilimutan ko na ang mukha niya.
Kapag na putol na sa isipan ko ang nagdaang memorya ko pilit kong inaalala ang mukha nila.
Sobrang nakaka-frustrate dahil sa isipan ko blured ang kanilang mukha kapag bumabalik ako sa ulirat. Pati ang mukha ni Aldwin sa memorya ko, blured siya kapag inaalala ko na sa totoong mundong ginagalawan ko ngayon..
This is kind of frustrating lalo na't naaalala ko na kung ano ang puno't-dulo ng lahat. Ang nakakalungkot lang, kapag bumabalik na ako sa totoong mundo... Hindi ko na maalala ang kanilang mga mukha. Maski pagmumukha ni Mommy at daddy. Nahihirapan akong e identify.. Para silang panaginip na mahirap tandaan. Na kapag nagising ka na nakaalimutan mo na ang mukha nila.
Pagkapasok namin sa loob ng aming kuwarto sa rest house. Napatingin si Aldwin sa akin ng nakangiti.
"You're looking too much at my face?" he asked using his sexy voice. "Ito ba ang nagagawa sa pagtulog mo sa lounger kanina? Are you dreaming about me?"
Namula ako bigla. Kinagat ko ang pang-ibabang labi saka nag-iwas ng tingin sa kanya.
I heard him chuckled when he saw me, being flattered by his words.
Nilapag niya ako sa malambot na kama saka niya ako pinakatitigan rin. Parang nalulusaw ang puso ko sa bawat titig na ginawad niya sa akin. Kahit hindi ko siya tiningnan alam kong sobrang lapit ng kanyang mukha.
"I'm all your, Riyah. No one can steal me away from you."
Hinaplos niya ang pisnge ko. Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan. Bigla akong kinilabutan nang may boses akong narinig sa isipan ko na sinasabi rin 'yon pero agad namang nawala.
"May iniisip lang ako. May naalala ako," sabi ko pa. Pumikit ako nang mariin.
"Like what? May I know what is it?"
Sa pagmulat ko nang mga mata binalingan ko ulit siya. Pansin ko ang pagkasalubong ng kanyang kilay. May takot na dumaan sa kanyang mga mata ngunit agad rin itong nawala at napalitan ng pag-alala. Nagtagis ang kanyang panga sabay tingin sa akin nang mariin.
Nawala na rin ang nakakaloko niyang ngiti.
Nakatitig lang ako sa kanyang mukha habang hinihintay niyang sabihin ko ang naalala ko.
I gulp when I saw his thick eyebrows and his thin red lips pouty at me. Mababa ang kanyang mga mata. He looks... something mysterious the way he looks at me right now.
"H...hindi ko maalala ang mukha ni Aldwin sa memorya ko. Malinaw siya sa tuwing bumabalik sa ala-alala ko ang nagdaan pero kapag nagigising na ako at nakikita kita. Blured na ang mukha niya. I wanna know what your face before..."
Paulit-ulit ang titig niya sa mga mata kong nangungusap sa kanya, pababa sa labi kong kumikibot.
Nag-iwas siya ng tingin. Nakita ko ang mesirable niyang emosyon bago siya tumingala. His adams apple moves when he gulp faster and a little bit nervous the way he manage to control his emotions.
"Are you okay, Aldwin?" I asked worriedly.
Hinawakan ko ang kanyang kamay saka ko ito hinalikan. Biglang bumigat ang namamagitan sa aming dalawa. Kailangan ko siyang pakalmahin.
Naigtad siya sa paghawak ko sa kanyang kamay para bang first time kong ginawa 'yon sa kanya dahil napatingin siya sa akin gamit ang gulat na gulat niyang itsura.
"I...I am okay. I am just frustrated," he whispered using his soft baritone voice.
"Saan ka naman na fu-frustrate kung ganoon?"
Nagtagis ang kanyang bagang. Dumaan ang madilim niyang awra sa mukha bago niya ako diretsong tiningnan.
"In everything... I don't like the fuckin' idea that you will gonna remember everything in the past."
"Natatakot ka bang maalala ko na ang lahat?" kinunotan ko siya ng noo.
He breath deeply. He gets my other hands saka niya ito hinalikan ng mariin. Pumikit pa siya at yumuko sa tabi ko.
"Hindi ako natatakot na maalala mo ang lahat... Ayaw ko lang sa isipang iiwan mo na naman ako kapag naalala mo ang nagawa ko sa'yo." Pagka-angat ng kanyang tingin sa akin. Nangungusap ang kanyang mga mata. Namumula rin ito. Umawang lang ang aking labi.
Bakit palagi ko siyang nakikitang takot na takot sa tuwing pinag-uusapan namin ang nakaraan?
"Hindi ka naman si Peter, hindi ba? Ikaw si Aldwin, right?" seryoso kong tanong.
Kita ko ang panlalamig sa kanyang mga mata. Mas lalo lang din nagtagis ang kanyang bagang. Dumaan sa kanyang mukha ang galit at pangigil.
"Hinding-hindi ako magiging si Peter, Ariyah... Hindi," mariin niyang sabi.
I smiled.
"If that's the case... Wala kang dapat na katatakutan kong maalala ko man ang lahat. Dahil ang Peter na nasa isipan ko, isang mapanakit na tao. Isang hayop at walanghiya. Wala rin siyang awa. Habang ang Aldwin na kilala ko... Isang lalaking minahal ko ng husto." Hinaplos ko ang kanyang mukha. Natigilan siya nang lumabas ang luha ko sa mga mata. It was so sudden. "Sa naalala ko... Gusto kong itanan si Aldwin noon. Gusto ko siyang makasama nang malaman kong ipapakasal ako sa ibang lalaki. Hindi ko tanggap... Na gawin akong pambayad sa kanilang utang. Hindi ko tanggap na maikasal ako sa lalaking hindi ko naman gusto. Kaya masaya akong kasama kita ngayon, Aldwin Fuentes...sobrang saya ko."
Sobrang sakit isipin na hindi ako mapupunta sa taong mahal ko... Sobrang sakit din isipin na pinagtatabuyan ako ni Momny dahil tingin niya sa akin. Walang silbing anak sa isang pagkakamali ko lang.
Walang emosyon ang kanyang mga mata habang nakikinig sa hinaing ko. Hindi siya naka-imik agad. I saw his deep brown eyes thinking something.. it's hard to understand what it is. Ang hirap basahin lagi ng kanyang emosyon.
He only held my hand tightly and move closer to me.
"I am more than happy, Ariyah... Knowing that you are finally mine."
Aldwin kiss my head. He hide his true emotions. But I heard him breathing fastly. I heard our heart beating like there's no tomorrow. Our heart race...like we are connected from our emotions.
Having him beside me still un-answerd question. Why so sudden he had a resort? Why so sudden he becomes a billionaire? Why so sudden he looks so scared? And that question can answers only in my past memories.
Ayaw kong magtanong kay Aldwin sa mga bumabagabag na katanongan sa isipan ko. Mas gusto kong kusa ko itong naalala.