Huminto ako sa pagtakbo nang makakita ako nang malalaking bato sa unahan. Malayo na ako sa rest house at halos hindi ko na ito makita. Umupo ako sa likod ng bato at doon ako umiiyak nang malakas. Nilabas ko ang lahat ng takot ko. Inaalala ko ang pagsigaw ni Peter sa akin. Nagalit ko siya dahil lang nasunog ko ang niluluto ko. Nagalit ko siya dahil gusto ko lang naman sanang maglinis pero sumabay pa ang dumi ng sahig na nanggaling sa kurtina kaya mas lalo ko lang siyang nagalit. Hindi ko na alam ang gagawin sa pagkat natakot ako at napahiya sa kanyang harapan. Gusto ko lang naman gumawa ng tama pero bakit pakiramdam ko, wala na akong pag-asa na makagawa ng ikakasaya ni Peter. Lahat na lang sa paningin niya ay mali ang mga nagagawa ko. Gusto kong sumang-ayon sa sinabi niya na i