"Jai, please. You've got to believe me. Please talk to me, son," nakikiusap kong pahayag sa anak ko na nananatili lamang na nakayuko sa kanyang tablet. "Jai..." I exhaustedly called his name again. Alam kong kabastusan na ang ginagawa niya sa akin pero hindi ko makuhang lubos na magalit sa anak ko. Naiintindihan ko na galit pa siya at masama pa rin ang loob niya na umalis si Francis dahil sa akin. Nang makauwi ako noon mula sa ospital, kahit na abala ako sa pagpapahanap kay Francis, ay ginawa ko ang lahat para makahingi ng tawad at makapagpaliwanag sa anak ko ngunit nanatili siyang matigas. Sumasagot man siya ay wala naman iyong interest o kabuhay-buhay. Madalas kapag sinusubukan ko na kausapin siya ulit ay pinagtataguan niya pa ako. Pero ngayon na nakaharap ko siyang muli ay cold treatm