Kanina pa naghihilik si Kenth sa tabi ko. Isang linggo na namin bilang 'mag-asawa'. Everything was so hard for me living as his partner. Mas istrikto siya kesa kay Marcus. Hindi ako makalabas sa kuwarto na walang kasunod na bodyguards. Kulang na lang nga ay pati sa kuwarto namin matulog sila. Hindi na rin ako masyadong pinapatulong ni Kenth sa clinic ng organisasyon. Hindi ko na raw kailangan pang magpakapagod dahil miyembro na ako ng kanilang pamilya at kung ano ang kayamanan na meron sila ay pagmamay-ari ko na rin bilang asawa niya. Kenth has been a good husband as long as 'di ko sya gagalitin. Bukod noong unang gabi namin kung kailan aksidente kong nasambit ang pangalan ni Marcus, hindi pa naman niya ako talagang sinaktan pagdating sa s*x. Though kahit siguro maingat siya, masasaktan