"Sister Teresa kumusta na? Mukhang mas dumarami ang ating mga inakay sa bahay ampunan ah. Last year mahigit dalawampu pa lamang ang mga batang kasama dito pero ngayon parang mahigit thirty na sila," masayang bati ni Senyora Eliza sa madre. Lumapit naman ang mga bata sa butihing Senyora. "Naku totoo po iyan Senyora Eliza sa katunayan nga po noong una nagkasya pa kami sa isang multi-cab, ngayon po dalawang multicab na nga ay siksikan pa. Maraming salamat po ulit sa pag imbita sa amin na tumulong muli sa pag-aani. Napakalaking bagay po nito sa mga kabataan at kahit papaano po e nakapag-relax sila. Alam niyo naman po na wala ng pamilya ang mga iyan kaya dapat talaga eh kahit papaano maging masaya naman sila," mahabang pahayag ng Madre. "Iyan naman talaga ang purpose ko Sister Teresa kaya