"Oh apo, akala ko ba makikita na natin si Bonenay? Ano nangyari? Anong sabi ng mga kausap mo? Parang namumukhaan ko ang mga iyon parang tauhan sila sa farm pero dahil sa sobrang dami na ng mga tauhan natin eh hindi ko na matandaan ang pangalan pero namumukhaan ko ang mag-asawang iyon dahil nakikita ko sila sa farm. Sila ba ang kamag-anak ni Bonenay na hinahanap mo?" tanong ng kanyang lola na halatang nagtataka. "Hindi po lola mabuti pa po na umuwi na muna po tayo sa Villa kasi mukhang nagkamali lang po ako." Seryosong sagot niya sa kanyang lola habang nagmamaneho. "Teka nga Dude, pamilyar sa akin iyong pinuntahan natin na iyon ah. Hindi ba iyon ang bahay noong babae kagabi, diba dito natin siya hinatid?" kunot noong tanong ni Rex sa kanya. Tiningnan lamang niya ito pero hindi sinagot