Chapter 14

1534 Words

"Bakit tulala ka na naman diyan Janna may dinaramdam ka na naman ba?" tanong ni Anding sa kanya ang tagapagluto nila sa bahay ampunan. "Wala naman po ate Anding may iniisip lang po ako. Ano po bang maitutulong ko sa inyo hiwain na po ba itong mga bawang at sibuyas?" sagot niya sa tanong nito pero iniba niya ang usapan para hindi na lang ito mag-usisa sa kanya. Sa totoo lang kasi kanina pa talaga siya natutulala at naku naguguluhan dahil sa nangyari kanina sa kanya sa palengke at isa pa hindi mawala-wala sa isip niya ang mapangahas na lalaking iyon na humalik sa kanya. Hindi kasi niya maintindihan ang kanyang sarili, pakiramdam niya ay kilala niya ang lalaking iyon pero imposibleng mangyari dahil wala naman siyang nakakahalubilo ng lalaki simula nang mapunta siya dito sa bahay ampunan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD