Napakunot noo si Janna ng marinig ang sinabing pangalan ng lalaki. Sa isip kasi niya parang pamilyar ang pangalan na iyon. Parang narinig na niya kung saan kaya lang hindi niya maalala. Isa pang ipinagtataka niya ay bakit parang may humaplos na mainit na bagay sa kanyang puso ng marinig niya ang pangalan nito. Naisip na lamang niya na baka normal lang iyon kasi hindi pa naman talaga niya alam ang pangalan ng lalaki. Tapos marami nang nangyari na kung ano-ano sa kanilang dalawa, kaya siguro ganon ang reaksyon niya noong marinig niya ang pangalan nito. "Yes, I'm Cedrick! Kaya don't call me kuya anymore! At sorry dahil hindi ko magagawa ang nais mo dahil bukas na bukas din, babalik ako sa inyo para kausapin ang mga magulang mo!" galit na turan nito. Mukhang tama nga ang kanyang naging desis