Agad na tumakbo si Janna pabalik sa gate ng matiyak na nakaalis na talaga ang dalawa lulan ng sasakyan ni Cedrick. Sobrang lakas ng kaba niya iniisip kasi niya na baka magising ang may-ari ng bahay at mapansin siya. Magbubuking talaga siya kapag nakataon. Iniiwasan niya pa naman na mangyari iyon dahil may binabalak nga ang lalaki, kesyo bukas na bukas na ay babalik ito kasama ang lola nito para kausapin ang kanyang mga magulang. Naaawa sana siya dito at nakukonsensya din sa pagsisinungaling niya pero kailangan. Mainam nga iyon ang kanyang naisip kanina dahil kung hindi, tiyak na mabubunyag na hindi talaga siya si Ellaine. At siyempre malalaman din naman ni Mother Superyora ang tungkol sa nangyari pati na ang lola ni Cedrick. Kapag nalaman ng mga ito na may namagitan sa kanila baka piliti