Dark Palace Throne Room... Nabasag ang kupeta na hawak ni Hari'ng Cedi ng makaramdam sya ng biglaang pag-kirot sa loob, habang tumatagal pinipilipit nito ang bawat kalamnan nya, hinaplos nya ang lalamunan nang sa sandaling makaramdam sya ng kirot sa lalamunan. Dumuwal sya ng itim na dugo sa kanyang harapan nag-mantsa ito sa mamahaling krema na kasoutan nya, napaatras ang isang taga-pag silbi ng masaksihan ang paghihirap ng kamahalan. "Ministro Veron ANG KAMAHALAN!" Natataranta na takbo ng katulog palabas ng silid. Di nagtagal nang makarating ang ministro na si Veron sa throne room, bumakas agad ang pag-aalala sa mukha nito bagama't lumala lalo ang pagsusuka ng itim ng dugo ng kanya Hari. "Kamahalan..." Sumenyas si Cedi na wag palapitin ang tapat na alipin. "Katulad lang ito ng dati-