Days flew fast, i felt completely settle after Kate knew my secret wala na mang nagbago sa pagsasamahan namin sa totoo nga nyan tumatag pa pagkakaibigan namin. Si Hero napapadalas na rin ang pagpapakita nya gamit ang katawan ni Micko masaya na ako nun kahit papaano. Kasalukuyan ko tinatahak ang kahabaan ng pasilyo ng quarters, may ihahatid kasi akong file na naiwan ni Kuya sa bahay. "Nakakatakot nga eh? May bampira na palang nakapasok dito?" Huminto mga paa ko sa paglalakad, napahigpit ang kapit ko sa mga documents na hawak ko nang mahagip ng tenga ko ang pinag-uusapan ng dalawang babaeng hunter na nilagpasan ako kanina. "Sabi pa marami na syang nabiktima at nagbabala't-kaayo lang na isang tao, papatayin ko talaga yun pag nakita ko." Nangigil na tugon ng isa, pinagpawisan ako ng malamig