Chapter Three

1081 Words
MAAGAP na tinapakan ni Cassandra ang preno ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata niya nang malamang ilang hibla na lang ang layo ni Chad mula sa kanyang kotse. Bigla na lang humarang ang bulto nito sa daraanan ng kotse niya habang palabas ng parking lot. Kung hindi siya nakapagpreno, malamang ay nahagip na ang lalaki. Kumabog ang dibdib niya sa naisip. Galit man siya kay Chad, kahit kailan ay hindi niya naisip na gawan nang masama ang lalaki. Saka lang nakabawi si Cassandra sa pagkabigla nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok ni Chad sa salamin ng sasakyan sa direksyon niya. Ngayon lang ito muling nagpakita pagkatapos ng ginawang pang-iiwan sa kanya noon. Nagsalubong ang mga kilay niya. Pagod siya sa maghapong photoshoot. And an encounter with Chad was the last dreary thing she had on her mind right now. Nang hindi pa rin tumigil ay kunot-noong binuksan niya ang bintana. "Ano na naman ba 'yon, Chad? Utang-na-loob, nananahimik na ako." "Lumabas ka na muna diyan, Cassandra. Please," Sa halip ay nakikiusap na sagot ni Chad. "Mag-usap na muna tayo. At ipinapangako ko sa 'yong huli na 'to." Matagal na tinitigan ni Cassandra si Chad. Nangangalumata ang lalaki, palatandaang walang matinong tulog sa nakaraang mga araw. Humpak ang mga pisngi at pumayat. Muli ay nakaramdam siya ng matinding hiya sa sarili. Kung hindi lang siya naging marupok noon, sana ay hindi nahihirapan ang taong mahal niya ngayon. Sana ay hindi siya nagpadala sa bugso ng damdamin. Napakaraming "sana." She sighed. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Chad. Umalis ka na." Isasara na sana ni Cassandra ang bintana nang matigilan siya sa mga sumunod na sinabi nito. "A French designer is willing to train you, Cassandra. May pinsan ang asawa ko sa France na nakakakilala sa designer na 'yon." Nag-iwas ng tingin si Chad. "Kaya ginawa ko ang lahat para makausap siya. Ipinakita ko sa kanya ang mga sketches mo na pinulot ko nang itapon mo lang ang mga 'yon sa basurahan noong tayo pa. Her name's Gertrude. Half Filipina rin siya. And she said she liked your designs." Hindi nakaimik si Cassandra. Nagpatuloy ang lalaki. "I knew you've always wanted to become a fashion designer. Sumuko ka nga lang kaagad dahil hindi ka nabigyan ng magandang break dito. But you have the chance now, Cassandra. Willing si Gertrude na i-train ka sa boutique niya at i-refer sa mga celebrities na kakilala niya kapag nagustuhan niya uli ang mga designs mo. Naka-graduate ka naman ng fashion design kaya hindi ka mahihirapang mag-adjust kung sakali." "Bakit mo ginagawa 'to?" sa wakas ay wika ni Cassandra. Nagdududang tinitigan niya si Chad. "Ilang taon ka ring parang bulang naglaho na lang, Chad. Ang hirap naman yatang isipin na nagising ka na lang isang araw at gusto mo nang magpaka-good Samaritan." Ilang segundong natahimik si Chad bago ngumiti pero alam niyang pilit. "I'm dying, Cassandra. I have kidney cancer, stage four." Napaawang ang bibig ni Cassandra sa pagkagulat. Natawa si Chad. "It runs in the family. Pero hindi ko akalain na magkakaroon din ako. Huli na nang malaman ko kaya habang may panahon pa, bumabawi na ako. You can say I deserved it pero wala na akong pakialam." May iniabot na envelope ang lalaki at sa nanginginig na mga kamay ay tinanggap niya. "Baka isipin mong niloloko kita. Nandiyan ang ebidensya. Nariyan ang contact number ni Gertrude, kasama ng contract na gusto niyang personal mong ibigay sa kanya kapag pumunta ka sa France." Mayamaya ay tumingin si Chad sa suot na relo. "I have to go. Kailangan ko pang bumalik sa France dahil naiwan doon ang pamilya ko nang magbakasyon kami. Saka kami babalik sa Canada. I want to spend my last days with my parents." Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Cassandra na hindi niya namalayang naipatong niya pala sa bintana. "Believe it or not but I really did love you, Sandra. Sa maling panahon nga lang tayo nagkakilala. Alam kong kulang ang salitang 'sorry' para sa mga naging kasalanan ko sa 'yo. Pero sana, kahit one-fourth, makabawi man lang ako." Napabuntong-hininga siya. "Chad-" "Nah, don't say anything." Hinalikan nito ang kamay niya kasabay ng pagpatak ng mga luha roon. "Just promise to pay me a visit when I die." "IN LIFE, nothing is accident. Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan." Napalingon si Cassandra kay Jethro sa sinabi nitong iyon habang naglalakad sila sa dalampasigan. Nasa rest house sila ni Jethro sa Batangas. Doon siya niyaya ng binata na maghapunan. Nagpapababa na lang sila ng kinain kaya napagdesisyunan nilang maglakad-lakad na muna. Napasubo kasi si Cassandra sa dami ng mga pagkain na nadatnan pagdating nila na puro paborito niya pa. It was the perfect dinner for her and no doubt the perfect night. Habang kumakain sila ni Jethro ay may tumutugtog pang romantic music. Nahigit din niya ang hininga nang biglang dumilim, pagkatapos ay lumabas ang mga litrato niya sa isang malaking screen na pagdating pa lang ay ipinagtaka na niya kung bakit naroon. Puro stolen shots ang mga kuha niya roon. Gusto niyang maluha nang mga sandaling iyon. Dahil alam na niya kung bakit iyon ginawa ni Jethro. Had she not seen Chad again, she definitely would have said yes. "Lahat ng nangyayari sa buhay natin, may dahilan. Lahat ng taong nakikilala natin, hindi natin dapat balewalain. Dahil maski 'yon ay may dahilan." Napalunok si Cassandra nang dahan-dahang ilapit ni Jethro ang sarili sa kanya. Sa liwanag na nagmumula sa buwan ay parang prinsipe ng gabi ang boyfriend. Nakaputing long sleeves si Jethro pero bukas ang lahat ng mga butones dahil nagyayayang mag-swimming kapag nakapagpahinga na sila. Hindi tuloy niya maiwasang ma-distract sa nakikitang malapad nitong dibdib at mga pandesal sa tiyan. Napasinghap siya nang bigla siyang hapitin ni Jethro sa baywang dahilan para magkadikit ang kanilang mga balat. Ramdam na ramdam niya ang init na sumisingaw sa katawan nito. Oh, God. "Jet, a-ano ba'ng... g-ginagawa mo?" Ngumiti si Jethro. "Iniisip ko lang kung ano'ng dahilan at nakilala kita." "N-naisip mo na... b-ba?" "Oo. Para maging kaibigan ko, asawa ko, ina ng mga anak ko, at babaeng mamahalin ko habang nabubuhay ako." Lumuhod ang binata sa buhanginan pagkatapos ay inilabas ang singsing na nagmula sa bulsa ng suot na slacks. "Tulad nga ng sinabi ko sa 'yo noon, may takot ako sa Diyos. Kaya makakasiguro kang hindi kita sasaktan. At mahal na mahal kita kaya makakasiguro kang hindi kita iiwan. Cassandra Madrigal, will you take a chance on me and marry me?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD