“ONE caramel mocha frappe for Lucy!” Nang marinig ko ang pangalan ko mula sa cashier na tinawag ang pangalan ko ay kaagad akong tumayo at lumapit sa kan’ya para kunin ang order ko. I ordered a frappe today because this day was just too much. Halos pahapon pa lang pero sobrang dami na kaagad ng nangyari sa akin. And just like what I always do after taking my quizzes, exams, or organizing for my events in the student council, I like to destress by eating desserts. Pakiramdam ko kasi ay nare-relax ang utak ko at natatanggal ang lahat ng pagod ko sa katawan kapag nalalasahan ko ang mga matatamis na pagkain o kaya naman ay inumin katulad na lang ng frappe na ‘to. “Thank you,” wika ko sa cashier bago ko kinuha ang frappe, tissue, at ang straw na nakalapag sa lamesa bago ko inabot sa kan’ya an