Chapter 71 - Part 1

1616 Words

"HINDI KO na alam ang gagawin ko." Inis na ginulo ni Cyrus ang buhok habang pabalik-balik na naglalakad sa kan'yang kuwarto. Sa sobrang frustrated niya ay dito siya dumiretso at kaagad na tinawagan ang kaibigan na si Jackson para sana papuntahin ito sa kanila at matulungan siya o kahit siguro ay damayan na lang. Kaya lang, sabi nito ay hindi siya puwedeng umalis dahil pinagbawalan siya ng mga magulang. Nabalitaan kasi ng mga ito ang issue sa pagitan ni Cyrus at Tyrone. Kahit na kaibigan ni Jackson ang dalawa ay mas kailangan niyang alagaan ang reputasyon nito. "Ako rin," kaswal na sagot naman ni Jackson sa kabilang linya. Hindi tuloy alam ni Cyrus kung dinadamayan ba siya nito o ano man. "Mabagsik si tito, at alam mo naman na tuwang-tuwa 'yon kay Tyrone. Mas mukha ngang anak niya si Tyr

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD