7: The Day He Discovered

960 Words
JADE TALLIA VALDEZ  "Miss Valdez, hindi ba masyadong mabilis ang naging desisyon mo na bumaba sa puwesto?" Tanong Mister Corrales. Umiling ako. "Sir, Zander Sandoval is Madame's one and only son, the true heir of this company." "Are you questioning my capabilities, Mister Corrales?" Singit ni Zander. "Yes, young man." Diretsong sabi ni Mister Corrales na dahilan para magkaroon ng munting pag-uusap ang iba pang Executives. "If Valdez entrusted the company to you, not because you're the heir, but because you're capable to manage a business which earns half a billion pesos annually then I'm fine with it." Huminga ako ng malalim at nilingon si Zander na nasa aking gilid. "Why don't you start presenting your proposal, sir?" Tumango ito at tumipa sa laptop na nasa kanyang harapan samantalang ako ay umupo na at pinanuod na lamang ito. Inobserbahan ko ang mga Executives habang nagpe-present sa harap si Zander, parang nawala ang bigat sa aking dibdib nang umayon sila sa proposal nito. Where will you go after this, Jade Tallia? Nang matapos ang meeting ay nakipagkamay ang lahat kay Zander at binabati ito na may ngiti sa kanilang labi. Umalis ang lahat at naiwan kami ni Zander sa loob ng conference room. "Congratulations, sir." A real smile flashed on his face. "It wasn't easy but it's a relief that they choose not to oppose me." "Who would? You're a Sandoval." "How about you? What will you do now?" Nagkibit-balikat ako. "Well, may naipundar ako na maliit na shopping mall somewhere in Bulacan, I'll focus on that." Tumango ito at hindi na nagsalita pa. "May mga papers ka pa na dapat pirmahan pero si Olimpia na ang bahalang mag-abot sa iyo n'un." Saad ko habang inaayos ang aking gamit. Nang nasa mga kamay ko na ang aking gamit ay umayos akon ng tayo at hinarap ito. "See you, Zander." "Tallia, wait." Humarang ito sa aking daraanan. "Bakit?" Kumunot ang noo nang hindi agad ito nagsalita at nanatiling nakatitig sa akin. "Zander, speak up." "I just want to say--" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil biglang may kumatok sa pintuan at ang nag-aalalang mukha ni Apollo ang una kong nakita nang bumukas iyon. "Tallia." Napatigil ito nang ma-realize na hindi ako nag-iisa sa loob. Tumalim ang tingin nito kay Zander. "Good to see you, cousin." Sarkastikong sabi ni Zander. "I thought, you, being the new President was fake news but seeing you right now proved that it isn't." Malamig na sabi ni Apollo. "Ano ang binigay mong posisyon kay Tallia ngayong hindi na siya ang President?" Hindi umimik si Zander at napayuko ako. "You gave her nothing?" Hindi makapaniwalang sabi ni Apollo. "She doesn't deserve to be here." Tumigil ang mundo ko nang sabihin ni Zander iyon. I don't? "I beg to disagree!" Laban ni Apollo, kaunting tumaas ang boses nito. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ang braso nito. "Apollo, let's not make a scene." "He underestimated you. I can't believe you let him stumble on your hard works." Yumuko ako. "It's his belief. Wala na tayong magagawa d'on." He looked at me. "You still have a soft spot for him after all he has done to you?" Nararamdaman ko na hindi talaga magpapaawat si Apollo kahit ano pa ang aking gawin. Bago pa magresulta sa away ito ay lumayo ako sa kanya at mabilis na naglakad palabas sa conference room. Hinanda ko na ang aking sarili sa araw na dadating si Zander kaya 'di na ako masyadong nahirapan. Alam kong balang-araw ay babawiin nito ang mga bagay na dapat talaga ay sa kanya. It's ny fault, I deserved Zander's hatred. I manipulated him to marry me. I stole his parent's attention. Kaya wala akong karapatang masaktan, I brought this all to myself. Walang ibang dapat sisihin kundi ang aking sarili. Nagpatulong ako sa utility man para ibaba ang mga gamit ko at isakay sa pick-up. Papaandarin ko na sana ang sasakyan ngunit napahinto ako nang maalala na hindi ko pa naaalis ang gamit ko sa may desk. 'Baka makita ni Zander ang laman ng aking drawer.' Sigaw ng aking isip. Kaya agad akong bumaba at tinakbo ang kinaroroonan ng elevator. Hindi mapakali ang aking mga paa habang hinihintay na magbukas iyon kung saan ang floor ng office ni Zander. Nakasalubong ko si Olimpia. "Miss, are you--" "Not now." Hingal kong sabi. Mabilis ang aking paglalakad at binuksan ang pintuan sa kabila ng hingal. Oh no. I'm too late. Nakatayo si Zander malapit sa malaking salamin ng bintana habang hawak nito sa kanang kamay ang hindi gaanong kalakihan na picture frame. Namutla ako at napalunok. It was his stolen picture on the day we got married. It was when I was walking down on the aisle and he's looking at his phone. Suddenly, he smiled and the photographer got it. I didn't care kung sino ang kausap niya sa phone habang naglalakad ako but it's a sweet smile. A very sweet smile. Napalingon siya sa akin nang maramdaman ang aking presensya. Walang bahid ng aking ano ang kanyang ekspresyon. "Did you forgot something?" He said coldly. Lumunok ako. "Yeah. I.. ah.. I forgot to clean the desk." Inipon ko ang lahat ng aking lakas at lumapit sa desk. Nanatili ito sa kanyang tinatayuan habang ako ay sinisilid ang mga documents sa paper bag. Lumuhod ako para maabot ang pinakaibabang drawer. "I looked happy here." Basag nito sa katahimikan. "Of course, you're texting with someone who's special to you." Gusto kong palakpakan ang aking sarili nang masabi iyon ng hindi nauutal. Ngunit para namang may pumiga sa aking puso nang bitawan ang mga salita na iyon. "Indeed." I stopped when he crouched on my side. "She is so damn special, Tallia." Hindi ako umimik. "That's why I ran away with her."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD