6: The Day We Made An Agreement

1608 Words
JADE TALLIA VALDEZ  "Is that real, honey? You told us you're single." Malambing na saad ng babae sa kanyang kaliwa. Pinaraan pa nito ang hintuturo sa baba ni Zaner. Sumipol ang isa niyang kaibigan na nasa likuran ko. "Hey, Zander! You can't handle all three woman, why don't you give us the feisty one?" Ngunit tahimik lamang si Zander at nagliliyab ang mga mata nito na gumapang sa aking binti hanggang sa aking mukha. "Did you really said that, sweetheart?" Nang-aakit kong sabi. 'Para kay Mama.' sigaw ko sa aking isip. "Help me remember." He said huskily. Sumandal ito at pinatong ang mga braso sa taas ng sandalan. I did not think twice, umupo ako sa ibabaw ng kanyang hita. I leaned in, closing my mouth tenderly over him. The spark of heat returned. His lips were firm, guiding me away from all thoughts other than the delicious sensation of his kiss, of the taste of him. His hands grabbed my hips, pulling me against him. His lips were strong and seductive, and I could feel the scratchiness of his beard stubble as he kissed me. I reached out and touched his face, loving the way his skin felt, loving the way he gripped me even tighter. We parted to give ourselves a time to breathe. Ngayon ko lang napansin na wala na pala ang dalawang babae sa kanyang gilid. Humaplos ang mga kamay ni Zander sa aking bewang. I can feel his boner between my thighs and that gave me a signal to run. Umalis ako sa kanyang ibabaw at nagmamadaling lumakad palabas sa club. I shouldn't have done that. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang pagpintig ng aking puso. Hindi ko napansin ang pagsunod sa akin ni Zander at napatigil ako nang hawakan nito ang aking braso. "You can't just turn me on and leave like that." "It just doesn't feel right." "What—Then why are you here on the first place? Are you jealous that I'll spend my night on some bimbos instead of you, wife?" Inalis ko ang kahit anong ekspresyon sa aking mukha. "Wow. What a conclusion. I just came here to let you know na nag-aalala si Mama na magdrive ka na naman ng lasing." Binitawan niya ako at sinuklay ng kamay nito ang buhok. "I'm not a f*****g teenager anymore, Tallia!" Napaatras ako nang tumaas ang kanyang boses ngunit agad ring nakabawi. "You don't have to raise your voice, Zander." "Dapat siguro'y hindi nalang ako bumalik dito." Saad nito at matalim akong tiningnan. "Do you know the reason why I came here?" "Why?" Matapang kong sabi. Ngunit sa kabila ng matatag kong boses ay may halong kaba akong nararamdaman. "Because I want an annulment, Tallia. I want to cut my strings with you, damn it!" Lumunok ako. "I understand." "Then stop acting like my loving wife!" Tumaas muli ang kanyang boses. "It's enough for you, right?" Kumunot ang aking noo. "Enough for me?" "Umangat ka na. Hindi ka na isang katulong, 'diba? You're a Sandoval now." Tumawa ito ng pagak. "You even manage the whole company. That's enough for you, right?" "I'm not a gold digger." Mariin kong sambit. Parang pinaparating nito na kaya ko siya pinikot ay dahil gusto kong makuha ang yaman nila. "Mga bata palang tayo ay halos hindi ka maalis sa tabi ni Mama para lang makuha ang loob niya at ibigay ang lahat ng gusto mo. Kaya nga lagi mong pinapakita na mas mataas ang grade mo kaysa sa akin 'diba?" Kumuyom ang aking mga kamay. "Pinapakita ko iyon para malaman nila na hindi sayang ang pagpapaaral nila sakin." "Oh, bullshit!" He shouted. "Pero hindi pa sapat sa iyo ang lahat kaya pinagsamantalahan mo ang kalasingan ko ng gabi na iyon at pinikot ako." "That's because, I was madly in love with you!" I shouted back. "You're just making it up! You love no one but yourself!" That's it. Ano'ng karapatan niya na ibalik lahat ng sakit na naramdaman ko n'ung gabi na iyon? At ano ang katibayan niya para sabihing peke ang pagmamahal ko sa kanya? Ilang beses akong lumunok para pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata. What he said truly hurt my feelings. "Okay." "Okay?" "Maybe you're right, I did it for money. You win, happy now?" Mabilis kong pinahid ang luha na bumagsak sa aking mga mata. "Present the annulment papers and I'll sign it. Have a good night, sir." Nilagpasan ko ito at mabilis na sumakay sa aking sasakyan. Agad kong ni-lock ang pinto at hindi na maawat ang luha sa aking mga mata. Pinanuod ko si Zander na naglakad papasok muli sa club. Nang maging maayos na ang kondisyon ko ay pinaandar ko na ang kotse at umalis sa parking lot ng club. Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Jella. "Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" "Bakit namamaga na naman ang mata mo? Pinaiyak ka na naman niya?" Alalang saad nito. Ngumiti ako ngunit hindi iyon umabot sa aking mata. Si Jella ay ang pinakabata naming kasambahay. Pinag-aaral ko rin ito gamit ang sarili kong sahod dahil nakita ko ang aking sarili sa kanya. "Hindi, okay lang ako. Bakit gising ka pa?" "Gumagawa ako ng project sa Physics." Sabi niya bago humikab at bumalik sa center table kung saan nakalatag ang mga materials nito. "Magpahinga ka na after, okay?" Sambit ko bago umakyat sa hagdanan. Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad kong binagsak ang sarili sa malambot na kama. Nakatingin ako sa cream na kulay ng kisame habang iniisip ang huli naming pag-uusap ni Zander. Hanggang ngayon ay mababa pa rin ang tingin nito sa akin. Kahit na ipagtanggol ako ni Mama ay mas lalo lang niya akong kasusuklaman dahil akala nito'y tuluyan ko ng nakuha ang kalooban ni Mama. I can feel it, I still love Zander. So much, it hurts. Maaga akong nagising kinabukasan at habang kumakain ay binasa ang mga messages ng aking secretary para sa schedule ko ngayong araw. Sinabi ni Jella sa akin na wala si Zander sa kanyang kuwarto kaya bago pa malaman ni Mama ay pinaliwanag ko sa mga kasambahay kung ano ang dapat nilang sabihin. Pagkatapos kong magbihis ay umalis na rin ako sa bahay. Kailangan kong agahan para maayos ang office para kay Zander. Kailangan kong alisin ang lahat ng gamit ko roon. Pagpasok ko ay agad na ngumiti ang guard sa akin, sinuklian koi yon ng matamis na ngiti bago sumakay sa elevator. Habang naglalakad ako sa hallway ay naringgan ko ang dalawang employee na nagbubulungan. "Sino kaya siya? Ngayon ko lang siya nakita dito." "Baka client, ang guwapo niya." Huminga na lamang ako ng malalim at pumasok sa office. Napako ako sa aking kinatatayuan nang makita si Zander na nakaupo sa swivel chair ko habang pinipindot ang kanyang phone. "Good morning." Matabang na bati nito nang magtagpo ang aming mga mata. "I didn't expect you to be early." I said coldly and put my handbag on the couch. "Is this going to be my office?" "Yes." His gaze was so cold and heartless. "When will you put all your belongings away?" "That's the reason why I'm early." "Then don't mind me. Clean and put it all away." He said with authority. Pinigil ko ang aking sarili na sagutin ito. Hindi ko gustong umpisahan ang aking umaga na may galit na nararamdaman. Lumabas ako at kumuha ng box sa stock room bago muling pumasok sa office. Maingat kong inilagay sa mga shelves ang mga business books at ang iilang figurines na niregalo sa akin ng mga staffs. Naabutan ako ng aking secretary na nagliligpit at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay Zander na prenteng nakaupo lamang. She was confused. "Miss?" Huminga ako ng malalim. "Olimpia, meet your new boss, Zander Sandoval." "H-Hi, sir. Do you want a cup of coffee?" Alok nito. "Yes. No sugar." Pagkaalis ni Olimpia ay tumuloy na ako sa pag-aayos ng mga gamit. Lumakad ako sa isang tagong pinto at binuksan iyon. It was a small bedroom. Madalas ay may mga trabaho ako na kinakailangan i-overnight kaya nagpagawa ako ng maliit na kuwarto na may sariling bathroom. "A small bedroom, huh?" Napalingon ako at nakita si Zander na nakasandal sa haba ng pintuan habang nakahalukipkip. "Hindi ako nang-uuwi ng trabaho si bahay." May mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi at tuluyan ng pumasok sa loob. "Really? So you spend your night here for 'work'?" "If your interpretation of the word 'work' is s*x then I have to disagree." I said with a straight face. Nadagdagan ang kaba sa aking dibdib nang isara nito ang pinto sa kanyang likuran at i-lock iyon. "What are you doing?" Unti-unti itong lumapit sa akin. "Tallia, you're a grown woman. You know what I'm doing." "This is an office, Mister Sandoval." "Which I own so I can do whatever I want." Huminto ito nang halos isang inches na lamang ang layo namin sa isa't-isa. Humaplos ang palad nito sa aking pisngi. "How many men have slept on this bed?" Napasinghap ako sa sinabi nito. Marahas kong tinabig ang kanyang kamay. "Noone." He chuckled. "You don't have to lie, Tallia," "Huwag mo akong itulad sa'yo na kahit puno na nakapalda ay papatulan mo." Tinangka kong lagpasan ito ngunit hinawakan niya ako sa braso. Impit akong napadaing dahil sa higpit niyon. "Listen, wife. As long as you're married to me, you won't entertain any other man. You're mine. Body and soul. Did I make myself clear?" I met his burning gaze. "One question." "Spill it out." "Does the rule also apply to you?" "From now on, yes." He said after a few seconds.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD