(3) Sister's Help

1095 Words
UNEDITED... //LEEYAH POV// Naabutan na ng gabi silang dalawa ng kanyang kapatid sa pagbabalot ng token pangregalo sa mga dadalo sa kasal. Ilang araw na lang ang pinakahihintay nitong kasal. Kitang kita sa mukha nito ang kislap at excitement habang papalapit ang pagiisang dibdib sa mahal nito. Kahit abutin pa ng pagod at antok, hindi ito iniiinda ng kanyang Ate Isabella kaya sa abot ng kanyang makakaya, makakabawi man siya sa oras na wala siyang naitulong rito. "Ate, kapag magkasama na kayo ni Kuya Zack pwede ba akong bumisita?" "Bakit ka pa maghihingi ng pahintulot sa akin? Of course, pwedeng pwede. Kahit mag-sleep over kappa ng ilang araw sa amin, walang problema. Ay tama, may nakalimutan akong sabihin sa iyo." "Ano iyon, Ate?" "Matagal na naming pinagusapan ito ni Zack. Pagkatapos ng kasal namin, iyon na ang huling araw ko sa trabaho pero, hindi ako pwede pababayaan ang kompanya lalong lalo na ang boss ko na wala siyang ipapalit sa akin. Kaya sinabihan kita noong nakaraang araw na ipaalam mo sa akin kapag may gusto kang pasukang kompanya o trabaho, baka sakali lang na meron o walang maikuha ang boss ko para ipalit ako and... wala nga siyang nahanap kaya naman, imbes na sa iba ko ibibigay ang trabaho ko, sa iyo ko na lang ibibigay." "Huh? Ibig sabihin, magiging trabaho ko ang trabaho mo? Secretary iyan, hindi ba?" Tumango ito. "Yep, Secretary it is." Bigla siyang naalarma. "Na-naku hi-hindi ko yata makakaya iyan, Ate." "Bakit naman?" "Ate, wala pa akong experience sa ganyang trabaho ilalagay mo na ako agad diyan? Kaka-graduate ko pa lang. Meron ba diyan ano lang, clerk or something?" "Kahit anong uri ng trabaho Leeyah, pare-parehas lang. Ano naman kung kaagad iyan na ang magiging position mo? Matututunan mo rin iyan lahat kaya huwag kang masyadong panikera, okay? Tutulungan naman kita eh. Ako ang magtra-training sa iyo kaya Sis, chill lang." "Pero Ate, hindi ba ang boss mo... iyong ang CEO, hindi ba? Papaano ako haharap sa kanya? Papaano kung ma-dissapointed lang siya na ako ang papalit sa iyo?" "Iba ang boss ko, no. Kung ako ang tatanongin mo para siyang poste hindi maitumba kahit ipaharang mo iyong pag landslide. Kahit may nakakatuwa ko nakakapikon, wala kang makikitang emosyon sa mukha ng lalaking iyon pero, mabait naman." "HUH?" "What I mean is tahimik lang ang boss ko. Hindi siya nakakatakot---hindi erase iyan. Mabait siya pero nakakatakot lang minsan ang mga titig niya. Basta! Ako na ang bahala sa iyo. Marunong ka bas a mga encoding? Microsoft office?" "Marunong naman." "Good. Pag marunong ka niyan, wala tayo masyadong magiging problema. Ano? Pumapayag ka na?" "Pero nga, Ate---" "Wala kang magiging problema sa sweldo mo, mataas magpa-sweldo ang boss ko." "Ate,pagsalitain mo muna ako." "Okay. Ano iyon?" "Ang layo ng pinagtatrabauhan mo. Papaano ako makakapunta doon eh halos aabutin ng isa o dalawang oras pagsakay pa lang ng bus papunta doon?" Umiling ito at tumawa. "Iyan lang ba ang inaalala mo? Edi kukuha ka ng apartment doon." What?! Siya? Magisa lang doon?! "Papaano si Mama? Ate naman eh!" "Alam na ni Mama ang tungkol diyan at wala siyang problema. Listen kapatid, wala akong iba pang maibibigay sa iyo kundi ito lang. Kapatid kita at kung meron man akong maibibigay sa iyo na oportunidad para gumaan man ang buhay mo bago man ako pumasok sa sarili kong buhay, alam ko na maalagaan ka at makakaya mo paandarin ang sarili mong buhay. This is the opportunity I can give to you and I promise you, hinding hindi ka magsisisi." Seryoso ba talaga ang kapatid niya? Alam niya na masyado itong concern pagdating sa kanya pero kung susumahin malaking oportunidad na itong binibigay sa kanya. Tatanggi pa ba siya? Ang kinakatakot lang naman niya nab aka hindi niya magawa ng maayos ang kanyang trabaho. Ni wala pa siyang experience gaya sa trabaho ng kanyang ate. "Sige. May tiwala ako sa iyo, ate. Tulungan mo ako ah?" "Yes! Thank you so much, sis! Hindi ka magsisisi. Ako ang bahala sa iyo! I'm so happy right now!" Sana nga maging happy din siya pag nakatungtong na siya doon. Ipapasa-diyos na lang niya ang mangyayari at sana makaya niya. . . . //LEEYAH POV// Araw na ng kasal. Lahat ay busy sa pagaayos ng sarili lalong lalo na ang bride, ang kanyang pinakamamahal na kapatid. Mas lalo itong gumanda ng sinuot na nito ang wedding gown. Nandirito din ang mga kaibigan nito busy din sa pagma-make up at siya naman ay nasa kwarto at malapit ng matapos sa pag-aayos. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili. Bagay na bagay sa kanya ang gown na kulay blue at mas lalong bumagay ay ang kanyang buhok na may nakapalibot na mga puting bulaklak. Ngayon lang yata niya nakita ang kanyang sarili na nakapagsuot ng ganitong damit. Gusto din naman niya magsuot ng mga pambabaeng damit pero nauunahan siya ng hiya kaya ngayon, nakapagsuot na rin diya at not bad really. Tapos na siya sa pagaayos at lumabas siya sa kanyang kwarto. Pababa na siya papuntang kusina para uminom ng tubig ng marinig niya ang kanyang kapatid at ina sa sulok na parang may seryosong pinaguusapan. "Hindi ko akalain inimbitahan mo ang lalaking iyon, Isabella." "Because I have to, Ma. Parte din siya ng pamilya kaya inimbitahan ko siya at... this is the time para magkalapit silang dalawa muli." "Papaano kung mangyari na naman iyon ulit? May mangyayari na naman masama sa kanya. Hindi ko na talaga siya mapapatawad pa at---" May masamang mangyayari? Parte ng kanilang pamilya? Anong pinasasabi ng kanyang ina? "Ma, listen. Hindi siya manggugulo at walang mangyayari sa buong duration ng ceremony at wala tayong isisisi sa mga nangyari. Please, give him a chance. Ito na ang oras para mai-ayos na nito lahat para kay---" "Ate? Mama? Anong pinaguusapan ninyo diyan?" Nagulat ang dalawa ng makita siya. "Oh? Parang nagulat naman kayo. May problema ba?" Pilit siyang tumawa sa harapan nito at para kumalma naman ang paligid. "Ah... wa-wala no! pinaguusapan lang naming ni mama na... na ba-baka pumunta ang ex ko sa kasal. Hindi ba, Ma?" "O-oo. Tama ang sinabi ng Ate mo, Leeyah. Ma-mauna na ako para ma-check ko kung nandiyan na ang sasakyan." Agad itong umalis. Siya at ang kanyang kapatid na lang ang natira. "Ex mo ang pupunta? Bakit sinabi mo na parte na siya ng pamilya? Hindi ko gets." "Hindi ko alam ba't ko sinabi iyon. Ang mabuti pa, kalimutan mo na ang narinig mo dahil male-late na tayo sa simbahan. Halika na!" Okay. Kung iyang ang gusto niya. . . . TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD