(2) Sana Meron

1113 Words
//LEEYAH POV// Kinaumagahan, napaaga siya kasama ng kanyang mga kaklase sa pagkuha ng kanilang mga dokyumento. "Salamat naman napaaga ang pag-process ng mga documents natin." "Bakit, Jane?" Tanong niya sa kanyang kaklase. "May kompanya kasi gusto ako i-hire bilang Front desk receptionist. Kakailangin ko pa rin magpakita ng mga documents ko bago nila ako papasukin doon." "Wow, ang galing naman. Kaka-graduate lang natin last two weeks meron na naghihintay sa iyo na trabaho." "Thanks. Kesa naman wala, hindi ba? At tsaka, kailangan ko rin agad ng trabaho para gumaan naman kahit papaano ang mga gastusin sa bahay lalo na may tatlo pa ako mga kapatid na pagaaralin nila mama at papa. Kapag ayos na lahat ng mga kakailanganin ko, matutulungan ko na din sila." Nakaka-proud naman malaman ang mga plano ng kanyang kaklase. Hindi lang si Jane, halos lahat ng kanyang mga kaklase may mga kanya-kanya ng mga plano pagkatapos nila sa college. Iyong iba, gusto makatulong sa pamilya gaya ni Jane, may iba na magtayo ng sariling negosyo at mag-abroad. Eh kung siya kaya, ano ba ang plano niya pagkatapos nito? Oo, sinabi niya na agad-agad maghahanap siya ng trabaho pero saan naman siya magsisimula? . //LEEYAH POV// "Leeyah, complete na ba ang lahat ng credentials mo sa school?" "Opo, Ate. Nandiyan na lahat." "Iche-check ko lang ah? At ikaw, huwag kang masyadong magkikilos diyan baka konting kembot mo, kakalbuhin ka na ni Mamu Shantal." "Ate talaga..." Pagkatapos niyang kumuha ng mga school documents, dinala siya ng kanyang kapatid sa paborito nitong salon para ayusin ang kanyang nakakawindang na buhok. "Huwag mo naman takutin ang little sister mo, Isabelle. Leeyah, don't worry, ako ang bahala sa iyo. Pagagandahin kita hanggang sa hindi mo na makilala ang sarili mo. Hindi lang iyan, tatanggapin ka kaagad sa trabaho. O hindi ba?" "Salamat po, Mamu. Kayo nap o ang bahala sa akin." "Siya nga pala, Leeyah. May kompanya ka na bang gustong pasukan?" Tanong nito habang hinahalungkat ang kanyang dalang mga documents. "Wala pa po eh. Hindi ko rin alam saan ako maghahanap ng bakateng pagtatrabauhan." "Normal lang iyan sa bagong graduate at huwag mo muna iyang masyadong isipin, hija. Kaka-graduate mo pa lang. Chill lang." Sabi ni Mamu Shantal sa kanya. "Mamu, siya lang naman ang atat na makakuha ng trabaho pagkatapos grumaduate. Tama si Mamu, Leeyah. Chill ka lang muna. Hindi ka naman namin minamadali pati si Mama na magbanat ka na ng buto. Baka sa kasal naming ni Zack, akala nila lola kita." "Ate! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan!" Tumawa ito. "Ang dali talaga mapikon 'to. Oo na, hindi na. Tayong dalawa ang maguusap tungkol sa paghahanap mo ng trabaho ah?" Ilang oras ng paghihintay ay natapos na din sa wakas ang pagaayos sa kanyang buhok at tama nga ang sinabi ni Mamu Shantal sa kaya. Halos hindi niya nakilala ang kanyang sarili. Ang dating buhaghag at kulot na buhok, sobrang lambot ng hawakan at matuwid. "Wow, wow, wow! Is that my sister?!" "Sabi sa iyo, hindi ba? Leeyah, ang ganda-ganda mo. Bakit ngayon mo lang nagpadesisyon na magpaayos ng buhok? Ikaw talaga." "Ang galing mo talaga, Mamu! No wonder paborito kita. O siya, kanina pa kasi naghihintay si Zack. Magbabayad nap o ako." Wow. Oo nga. Bagay na bagay sa kanya. Habang busy ang kanyang kapatid hindi pa rin niya tintitigilan ang pagmasdana ng kanyang bagong hitsura. Bakit ngayon lang siya nagpakaganito? Pero parang hindi naman. May naalala siya na hindi ito ang una niyang pagaayos sa kanyang sarili or nagkakamali lang siya at sa panaghinip lang niya ito naalala. "Leeyah, let's go!" "Opo, Ate." Bahala na nga. Baka bigla na lang sasakit ang ulo niya. . //LEEYAH POV// Sinundo silang dalawa ni Zack, ang magiging husband to be ng kanyang ate at magiging brother in law niya. Medyo malapit na din gumabi nagpasya sila na maghapunan sa isang resto. "Blooming yata ngayon ang sister in law ko." "Graduation gift ko iyan para sa kanya at para maging maganda sa kasal natin. Nagustuhan mo ba, Leeyah?" "Oo naman. Pang-commerical na ng shampoo ang buhok ko." Sabay lugay sa kanyang buhok. "Tama iyan, Leeyah. Para mas maganda ka kesa sa mga kaibigan ng ate mo." "Ano ka ba? Hindi naman ito kompetisyon ng pagandahan ng bridesmaids ang kasal." Saway ng kanyang kapatid sa fiancée. "No, I'm not." Sabay tingin muli nito. "Daigan mo silang lahat." "Isa pa." Sabay kurot nito sa pisngi. "Nga pala, tinawagan mo na ba si Charlie?" Tinutukot nito ay ang wedding coordinator. "Yep kanina lang. Settle na halos lahat. Ang huli na lang nilang aasikasuhin ay ang reception. Kailangan lang niya malaman kung may magbabago o hindi lalo na sa mga pagkain at konting intermission na gagawin." "Mabuti naman. Alam mo naman iyan si Charlie, masyadong perfectionist kaya I trust him." "Excited na kaya maikasal ano? Pasensya na talaga naghintay kayo sa akin at wala akong naitulong sa pagpaplano ninyo. Kung hindi lang naging balakid ang thesis ko." "Silly. Mas importante pa iyan kesa sa kasal namin, Lee. Kami ng Ate mo kaya naming maghintay. It's just a wedding. Ginagawa naming ito as a celebration kasama ang mga mahal namin sa buhay including you. So hindi ka dapat humingi ng patawad. Gusto din ito ng ate mo na makita niya na maayos ang maging kalagayan ninyo ni Mama Raquel bago kami ikasal at bumuo ng sariling pamilya." "You're really meant for each other. Nandito lang ako nakasuporta sa inyo." "Salamat, kapatid. Huwag mong kalimutan ang ibinilin palagi ni Mama pag kayo na lang magkasama sa bahay. Baka maging sakit ka pa sa ulo niya pagkaganoon." "Hindi no promise iyan. Hayss... ako kaya, kailangan kaya ako makakahanap ng love of mmy life?" "Huh?" Sabay tanong ni Zack at Isabella sa kanya. "Anong 'huh'? Ang sabi ko---" "Oo narinig naming iyan. Gu-gusto mo na ba magka-boyfriend?" "Umm... bakit naman hindi, hindi ba? Ayoko naman mapagisa at tsaka, hindi ko pa nararanasan ang ma-inlove o magkagusto sa lalaki. At twenty three na ako." Nagtaka siya sa hitsura ng dalawa. May mali ba siyang sinabi? "Ahh... Alam mo, makakahanap ka din pero hindi pa yata iyan sa ngayon, hindi ba Zack?" "Huh? O-oo naman. Huwag ka munang magmadali, Lee. Madali lang ma-inlove pero mahirap pag nandiyan ka na. Ang mabuti pa siguro, asikasuhin mo muna ang paghahanap mo ng trabaho. Total, nandiyan lang naman iyang boyfriend-boyfriend sa tabi. Tam-tama ba, Isabella?" "Right. You're so right." Ano ba iyan. Sabihin na lang kaya nila na maging 'manang' na lang siya. Gusto din naman niya makaramdam kung paano ba ang mahalin at magmahal. Pero sa totoo lang, sana meron. . CHAPTER 3 CAN BE READ AT DREAME AND YUGTO APP. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD