Magmula noong araw na iyon iniwasan ko na sila. Pero ang hirap sa part ko dahil mas lalo lang akong nahihirapan at nasasaktan. Knowing na masaya ang dalawa samantalang ako para akong binagsakan ng langit at lupa. Anong parang binagsakan talaga ng langit at lupa. Nagmahal ako sa taong iba ang mahal.
" Kaye, I know wala akong karapatan sabihin sa iyo ito. Pero sa nakikita ko ikaw ang nasasaktan at nahihirapan. Kalimutan mo na si Nick at ibaling mo na lang sa iba ang pagtingin mo. Ikaw lang rin naman ang masasaktan sa huli. Tsaka ang complicated ng situation niyo." napatingin ako sa kaibigan ko dito sa opisina na si Dyani. Isa din siyang accountant pero sa ibang department. Sa kanya ko nasasabi ang mga problema ko lalo na sa pag-ibig. She knows na may pagtingin ako sa bestfriend kong si Nick.
" Nasasabi mo iyan kasi hindi ka pa nagmamahal." litanya ko sa kanya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong binatukan.
" Aba nagmahal naman ako. Grabe ka, huh? Pero hindi ko pinagsisiksikan ang sarili ko sa taong ayaw sa akin. Ang sinasabi ko hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Para bang wala ka ng mapili." sabay irap sa akin. Natawa ako sa kanya para siyang bata.
“I know pero intindihin mo rin ako. Hindi madali na kaagad kong makakalimutan si Nick. I need more time para makalimutan ko na siya ng tuluyan. Ayokong gumamit ng ibang tao para lang maging panakip butas. Naiintindihan mo ba?” wika ko.
I need to heal my broken heart before entering another relationship. Ayokong maging makasarili. Kung magmamahal akong muli siya ang nasa puso ko hindi si Nick.
“Pero sana naman huwag mo ng patagalin iyang sinasabi mong healing process baka ugatan ka na niyan. Focus on other things instead of thinking of them.” Napangiti ako sa kaibigan.
“Salamat sa mga payo mo, susundin ko naman. Sabi ko nga I need more time.” wika ko.
Sa isang buwan madalang lang akong mag-reply sa kanila. Ang lagi kong reason busy ako at maraming gawain sa trabaho ko. Alam naman nila na ang pagiging Accountant ko ay isang mahirap na trabaho. Kaya naiintindihan naman nila iyon.
Nag-ring ang phone ko na nasa ibabaw ng table. Napatingin kaming pareho ni Dyani. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba or dedmahin ko na lang.
“Sagutin mo na, Kaye. Dapat hinaharap mo sila hindi iyang pinagtataguan mo sila. Paano ka makaka moved on kung hindi mo haharapin?” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Sinagot ko ang tawag.
“Hello. Napatawag ka?” Sabi ko. Napatingin ako kay Dyani na nag-thumbs up.
" Kaye magkita naman tayo. Ilang buwan din magmula noong huli nating bonding na tatlo. I understand na busy ka pero sana naman kahit konting oras mapagbigyan mo kami.” Napakagat ako ng labi sa sinabi ni Nick.
Sa totoo hindi ko pa sila kayang harapin. Kahit sabihing ilang buwan na magmula ng makita ko sila.
" Pasensya ka na busy lang talaga ako. Hayaan mo kapag okay na schedule ko magkikita tayong tatlo.” Alam kong mali ang ginagawa ko na pag-iwas sa kanila. Pero ito lang ang alam kong paraan para makalimot.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Nick sa kabilang linya.
" Okay, pero sana magkaroon ka naman ng time, kahit kaunti lang para sa amin. Aaminin kong nagtatampo na ako sa iyo, Kaye. Feeling ko kasi iniiwasan mo na ako.” Sapol ako sa sinabi ni Nick. Totoo naman na iniiwasan ko siya-sila ni Jennifer.
“Hindi naman sa ganoon, sadya lang marami akong trabaho ngayon. Promise next time kapag maluwag na ang oras ko lalabas tayong tatlo. Libre ko.” Pangako ko sa kanya.
Siguro nga tama si Dyani na dapat harapin ko na sila para tuluyan na akong magmoved on. Hindi ganito na iniiwasan ko sila pero parang hindi naman ako maka moved on.
“Okay, sinabi mo iyan ha? Umaasa akong one of these days makita ka na namin. I miss you, Kaye.” mas lalo kong nakagat ang aking labi dahil sa sinabi ni Nick.
I miss you more.
Isinaisip ko na lamang. Pagka end ng tawag nakahinga ako ng maluwag. I feel suffocated. Napapailing lang sa akin si Dyani.
Habang naglalakad papunta sa sakayan ng bus hindi ko maiwasang mapatingin sa mga nakakasalubong kong magkasintahan, sweet na sweet sa isa’t-isa. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanila. Samantalang ako ang lalaking mahal ko ay mayroon namang mahal na iba. Ang saklap umasa kasi ako. Napabuntong hininga ako. Ano nga ba ang magagawa ko baka ito ang itinadhana sa akin. Ang mabigo. Copyright © 2021 by coalchamber13