" Kaye kanina ka pa ba?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Jennifer. Nagpasya kaming magkita sa Mcdo para i-celebrate ang pagkaka roon ko ng trabaho bilang Accountant sa isang company. Malapit lang kasi sa pinagtratrabahuan ko ang McDo kaya dito kami nagpasyang magmeet up. Sa totoo lang ako ang huling nagkaroon ng trabaho sa aming tatlo. Parehong Architect si Jennifer at Nick. Iisang company sila nag-apply at pareho ring natanggap. Noong una nalungkot ako dahil nag-apply ako sa company kung saan sila nagwowork ngunit hindi ako pinalad na matanggap.
Kami ni Nick ang matagal ng magkaibigan since mga batang musmos pa. Kaya turingan na namin sa isa't isa ay matalik na magkaibigan. Nakilala na lang namin si Jennifer noong college na kami. Naging malapit kaming tatlo. At naging matalik na rin namin siyang kaibigan. Hanggang sa ngayon kahit may mga trabaho na kami we still keep in touch. Hindi na yata kami mapaghihiwalay ng tadhana sa sobrang dikit naming tatlo.
" Kadarating ko lang. Nasaan na si Nick akala ko kasama mo siya?" tanong ko.
" Oo, magkasama kami may kukunin lang daw siya sa kotse niya." nakangiting sabi ni Jennifer. Napansin kong ang blooming ng aura niya ngayon. Bakit kaya?
“Narito na pala siya." sabi ko ng makita ko si Nick. Napansin ko ang hawak niyang bulaklak. Nakita ko kung paano magningning ang mata ni Jennifer ng makita ang hawak na bulaklak ng bestfriend.
" Hi girls" bati nito sa amin. Lumapit ito sa akin hinagkan niya ang pisngi ko. Lumapit din kay Jennifer. Nagulat ako ng halikan niya sa labi. Parang may palasong tumarak sa puso ko ng masaksihan ko iyon.. Nawala ang pagkakangiti ko dahil parang alam ko na kung ano ang ibig sabihin. I was dumbfounded. Parang huminto ang paligid ko. Tsaka lang bumalik ang huwisyo ko ng tawagin nila ako. Ibinigay ni Nick ang flower kay Jennifer at nagyakapan sila. Humarap sila sa akin na pareho ngayong nakangiti.
" Kaye, kami na ni Nick" masayang balita sa akin ni Jennifer. Ang balitang iyon yata ang pinakasamang balita na natanggap ko. I know mali na maging malungkot ako. Dapat nga masaya ako sa kanila ngunit niloloko ko lang ang sarili ko, kung sasabihin kong masaya nga ako. Nagdurugo ang puso ko. Masakit dahil ang taong minahal ko ng mahabang panahon sa iba naman pala mapupunta. Ano pang silbi ng paghihintay ko sa pagkakataong baka magkaroon din siya ng pagtingin sa akin. Ngunit malabo na iyong mangyari.
Napangiti ako ng mapakla. I need to hide this pain. Ang sakit sa puso kung siguro may sakit ako sa puso inatake na ako kanina pa.
" C- congrats sa inyong dalawa. I'm so happy." labas sa ilong ang sinabi ko. Parang gusto ko ng umuwi dahil parang sasabog ang pakiramdam ko. Tumunog ang phone ko. Nagtext lang si Mama kung what time ako uuwi. Hindi ko na kayang pigilan ang luha ko kaya tumayo na ako para magpaalam.
" I need to go na muna may emergency sa bahay. Magkita na lang tayo next time." I think wala ng next time. Parang hindi ako handa na makita sila or siya na kasama ang bestfriend namin. Ang sakit sa feelin, nagkabutas butas ang puso ko.
Hindi ko na sila hinintay na makapagsalita pa.Umalis na ako. Nang medyo makalayo na ako ang kaninang luhang pinipigilan ko kusa na itong bumagsak. Parang waterfalls walang katapusan.
Bakit sa lahat ng lalaki sa bestfriend ko pa ako nagmahal, sana sa iba na lang. Pasaway talaga ang puso ko. Kung sinong ayaw doon naman tumibok sa taong walang pagtingin sa akin.
Lihim kong minahal si Nick. Kahit alam kong kaibigan lang ang turing niya sa akin. Ngunit umasa akong baka balang araw magkaroon rin ako ng pitak sa puso niya. Sinubukan ko naman kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya ngunit mas lalo lang nagiging masidhi sa tuwing magkasama kami.Copyright © 2021 by coalchamber13