Habang tinitingnan ko ang anim na buwan kong anak hindi ko maiwasang mapangiti. Ang cute cute kasi niya at ang taba taba ng pisngi at ang mga kamay nito. " Kaye anak halika na nakahain na ang pagkain mo." sabi ni Mama. Tumayo na ako binigyan ko ng halik sa noo ang Mama ko. " Thank you Ma. Ako na lang sana ang naghain. Alam ko naman na napagod kayo sa kakaalaga kay Angelo. Ang bigat na niya" sabi ko. " Ano ka ba anak ayos lang apo ko naman si baby Angelo. Walang kaso sa akin iyon kahit mapagod ako. Sanay na ako sa ganyan." napangiti ako. Napakabuti ni Mama ewan ko bakit sinaktan siya ni Papa. Umupo na ako sa mesa para magsimula ng kumain. " Siya nga pala anak dumalaw si Miguel kanina. Hihintayin ka sana niya sa pag-uwi mo kaso may tumawag sa kanya. Emergency daw eh. Hindi ko na naitano