Habang nakatitig ako sa anak ko hindi ko maiwasang mapaluha. Hindi na mangyayari ang pinangarap ko noon na magkaroon ng kumpletong pamilya. Lumaki ako sa pamilyang hindi buo. I grew up without my father beside me. I was only 1 year old ng hiniwalayan ni Papa si Mama dahil ipinagpalit kami sa ibang babae. Kahit ganoon nagsumikap si Mama na maitaguyod ang pag-aaral ko. Kaya kahit mahirap kinaya naming dalawa na kaming lang. Nasanay na din akong walang tatay kahit minsan naiinggit ako sa pamilyang buo at masaya. Sa paglaki ko hindi ko inalis sa wallet ko ang picture ni Papa. Buhat buhat niya ako sa larawan. Nasa dalawang buwan pa lang ako noon. Gusto ko kasing hindi ko makalimutan ang hitsura nito. Dahil umaasa pa din ako na isang araw baka magkrus ang landas namin. At makilala ko pa siya.