Chapter 10

1803 Words
Two days had passed and everything went smoothly, except for one thing. Bee has been ignoring me. Hindi naman ako stupida para hindi malaman kung bakit siya nagkaganun. She practically told me that she had this huge crush on Stanley for a long time, pero anong ginawa ko? Para akong isang ahas. I mean, hindi ko naman intensyon yun. It's not my fault that Stanley told me to sit at the bench with him. Oo, ginusto ko. Sino naman ang hindi? Chance ko na 'yun. My long time crush told me to sit with him, it's every girl's dream. Sinong ayaw dun? Noon tinatanaw ko lang siya sa malayo. Ngayon pwede ko na siyang makatabing umupo at siya pa yung nag-aya. I can even see him play basketball up close! But something told me inside that what I did was not good. Bee and Stanley have known each other for years. Dapat ako na yung nag-give way kay Bee. She had been so good to me. I don't want to be selfish. Besides, ilang araw lang naman kami nagkilala ni Stan. Ayokong sayangin yung years na pagsasama nila bilang magkaibigan. Masakit man sa loob ko pero kailangan kong tiisin. I don't want Bee to hate me. Kaya ito ako ngayon sa labas ng cubicle kung nasaan si Bee, hinihintay ko siyang lumabas para makapag-usap kami. My conscience wont let me sleep unless I talk to her. I'm not used of being grudged by someone. I heard the clicking sound of a locked door. Pagkabukas nang pinto ay iniluwa nun si Bee. "Bee," I called her name so she faced me. May bahid nang pagkabigla yung mukha niya pero agad din naman siyang nakabawi at binigyan ako ng malamig na tingin. "What are you doing here? Aren't you supposed to be with Stanley?" mapait niyang tanong. Lumapit siya sa sink at naghugas nang kamay. "That's why I'm here," nakayuko kung sabi. "I'm sorry." Hindi ko alam kung bakit ako nanghihingi nang sorry sakanya. I just felt like it. Siguro dahil nasaktan ko siya at ako yung dahilan kung bakit ganito yung treatment niya sa akin. Inaako ko na ang lahat kasi hindi siya mag-gaganito kung hindi ako dumating sa buhay nila. "Why are apologizing?" she asked. "Ano naman yung nagawa mo?" "I knew that you like Stanley," yumuko ako. "I'm sorry for always being around Stanley. It was insensitive of me." Alam kung nagseselos siya sa amin, kaya niya ako iniiwasan. It was a no-brainer. The way she looked at me when Stanley called my name says everything. I was just too insensitive not to keep my distance. Pagkatapos niyang maghugas nang kamay ay tiningnan niya ako na nakataas yung isang kilay. "What is your point?" It was hard for me to say this to her and it took me all night to make this decision. Thirty-five percent of me says that I shouldn't do this. Dapat kong inuuna yung sarili ko. Sixty-five percent says that I should. Kesyo palagi nalang akong inuuna. I should give way to Bee because she deserve it. "I'm helping you towards Stanley." Nanlaki yung mga mata niya pagkatapos niyang marinig yung sinabi ko. "You mean?" "Yes. Ilalakad kita kay Stanley." Like a lightning, I felt Bee's arms around me. Squishing me to death. Kidding. I felt my heart lifted after I received her hug. This means that I am forgiven, right? Pinapatawad na niya ako. I sacrificed my happiness for her happiness. It's fine with me, as long as she's happy with it then I'm good. "Thank you Dane! I knew that you wouldn't let me down." I made my decision. Bee made me feel like a normal person. And I think tama lang na siya na naman yung pagbigyan ko. Besides, mawawala lang naman tung nararamdaman ko kay Stanley. I've only known him for days compared to Bee, she have known him for like a lifetime. Sa sitwasyon ko, mukhang mas madali lang sa akin ang mag-move on. Hopefully. Minutes of walking at napadpad din ako sa isang bench. Naupo ako dito at bumuntong-hininga. Kanina pa ako lakad nang lakad habang lumilipad naman yung utak ko. Nakalimutan ko na nga kung saan ako pupunta. The burden that I felt inside is bothersome. Dalawang araw na ang lumipas matapos yung pag-uusap namin ni Bee. Tama lang ba yung ginawa ko? Hindi kaya ako magsisisi sa bandang huli? I doubt that. I knew that I may regret it but I went for it anyway. "Dane...." Biglang bumilis yung t***k ng puso ko sa narinig. Hindi ko pa siya kayang harapin ngayon. Hindi ako nakapaghanda! Iniiwasan ko siya nga dalawang araw at kapag pinansin ko siya ngayon parang wala lang yung dalawang araw na pag-iiwas ko. Stanley, please. Huwag mo akong pahirapan! Alam ko na! Magpapanggap nalang ako na hindi ko siya narinig. Malay mo, aalis din siya. Tumayo ako para sana maglakad papalayo pero hindi pa man ako nakayapak ay tinawag niya naman yung pangalan ko. "Dane!" Wrong. Tatakbo na sana ako pero huli na ang lahat. Hinawakan niya yung braso ko saka niya ako pinaharap sa kanya. Agad akong sinalubong ng kanyang noong naka-kunot. "Stanley!" Ngumiti ka Dane. Isang sinserong ngiti, please lang. "Anong ginagawa mo dito?" Akala ko ngingitian niya din ako, pero hindi. Nakatitig lang siya sa akin. Sobrang seryoso nang mukha niya. Yung tipong may ginawa akong masama. Totoo naman. May ginawa nga akong hindi kaaya-aya. Iniwasan ko siya ng walang pasabi sa kadahilanang ayaw kong magselos si Bee. Unfair ako sa kanya dun pero kapag palagi naman akong kasama niya magiging unfair din ako kay Bee. Nalilito ako kung anong pipiliin. Bee was mad so I chose to be unfair to Stan. It doesn't makes sense, alam ko. Naiipit na talaga ako! "Are you avoiding me?" he asked, frankly. "Avoiding you? No. Bakit ko naman gagawin yun?" maang-maangan ko. "Ewan. Bakit mo nga ba gagawin yun?" he asked, annoyed. "Hindi na kita nakikita dito sa school. Hindi ka na rin lumalabas sa veranda mo. Please Dane tell me. Did I do something wrong?" No Stanley. Hindi ikaw yung mali. Ako! "Sorry," nakayuko kung sabi. Hindi ko na kasi alam kung ano ang isasagot sa kanya. "It's fine," I heard him sigh. "Just don't do that again, okay?" I nod. He smiled. I was mesmerized. Now we're both smiling. Ugh! Bahala na! "Naglunch ka na?" tanong niya. "Hindi pa," iling ko. Tama. Ngayon ko lang natatandaan kung saan ako tutungo. I was heading to the cafeteria naman sana nang makakita ako ng bench. Napaupo ako at nagmuni-muni. Then Stanley found me and here we are right now. "That's great! Sabay na tayo," alok niya. May fastfood chain sa labas nang University kaya dun nalang din kami kumain. He was a gentleman helping me with my seat. Paano kong nagawang iwasan ang lalaking 'to? Wala naman siyang ginawang masama. Guilt started overpowering me. Ito na talaga yung oras na sinasabi kong magsisisi talaga ako. Pero anong magagawa ko? Nagawa ko na. Buti nalang Stan was nice enough to forgive me. Siya pa yung bumawi na dapat ako naman sana. Bigla kong naalala yung usapan namin ni Bee. I sighed. There will always be something that will ruin your mood. Pero I promised Bee na tutulungan ko siya. Hindi naman kasama sa usapan yung pag-iiwas kay Stan. Ako lang ang nagdesisyon nun kasi akala ko mawawala din yung nararamdaman ko para sa kanya. Out of sight, out of mind. Ganun. "Stan?" I asked habang papaupo pa siya sa upuan niya sa harap ko. "Hmm?" "Anong gusto mo sa babae?" He showed me his boyish smile habang napakamot sa batok. I bit my lower lip for my embarrassing question. Bahala na nga! "Why did you asked?" I shrugged my shoulders. "Random thought." Bee really wanted to know what Stanley likes. May ideya naman siya, kasi witness naman siya sa mga past relationship. But it's been a long time since he's been into a relationship kaya naisip niyang baka may bagong taste na siya. "Hmm," he hummed while putting his finger on his chin. "Anong gusto ko sa babae? Maganda, matangkad, matalino at mapagmahal." Maganda? Check! Matangkad? Check! Matalino? Check! Mapagmahal? Check na check! Pasado naman pala si Bee sa criteria na ibinigay ni Stanley ah! I then frown after I realized na ang hirap pa lang abutin yung standards niya. I started comparing myself. Ang layo ko. I mentally shook my head. I need to focus. I need to set myself aside first. "Bakit wala ka pang girlfriend?" napatakip ako sa bibig ko. s**t! Ba't ang daldal ko?! He chuckled. "It's not important." "It is Stanley!" I tapped the table. "Ang sarap kaya kapag may nagchi-cheer sayo kapag may laban kayo sa basket." Wow, Dane. Kung makapagsabi akala mo naman nagkajowa na. Ironic. "No need. I have Bee." He said it himself! "Si Bee nalang kaya?" I asked directly. Okay fine. It pained me, forcing the man that I like to like someone else. But what can I do? It was my decision. Paninindigan ko nalang ito. "What?" "Maganda, matangkad, matalino at mapagmahal. Check na check. Kuha lahat ni Bee. Why not take her out?" "Can't" sagot niya at sumandal sa silyang inuupuan niya. Parang nabunutan ako nang tinik matapos niyang sumagot. Ewan ko kung bakit. Siguro dahil umaasa pa rin ko na hinding hindi niya magugustuhan si Bee. Aight! Ang bad ko na. "Why not?" "I only see her as a friend at hindi na hihigit pa yung feelings ko para sakanya." He said it! That makes me happy and sad for Bee. "Pero nakuha niya yung criteria na binigay mo kanina. Aren't you attracted to her?" "I don't base on my criteria," he paused. "Minsan nagse-set lang tayo ng standard para sa magugustuhan natin pero hindi yun basehan para mahalin natin ang isang tao dahil dun. Because a heart will beat for a person without those bases," he said as he looked at me in the eyes. "Gaya ngayon. My heart beats for a girl that never met my standards, but went beyond it." Heart racing. Hands shaking. Stanley what are you doing to me?! "Sino?" I asked hesitantly. He reached for my head and messed my hair. "It's for me to know and for you to find out" he then chuckled. "O-order muna ako. Don't go anywhere." Dun ko napagtanto na hindi pa pala kami nakapag-order. Nung tumalikod na si Stanley ay saka ako napahawak sa dibdib ko. Ang bilis nang t***k ng puso ko! Para akong galing sa karera. Bakit ganun? Bakit umaasa ako na ako yung babae na tinutukoy ni Stanley. Mali 'to. Dapat si Bee yung binida ko kanina. Tama. Hindi na sana ako nagtanong pa kung sino. Pero paano ako? Okay lang ba na masaktan ako para sa kaligayahan ng iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD