Kabanata 3
Substitute Housemaid
Pinagtutulakan ako nina Clover at Jayda nang makita namin ang grupo ni Harris Palma na makakasalubong namin sa corridor. Katabi ni Harris Palma sa unahan ng grupo ang boyfriend ni Clover.
“Lundagan mo kaagad, besh. Lips to lips mo. Ene be? Dapat sunggab ‘agad, beshy.” Sulsol sa akin ni Clover.
“Sagutin mo na ‘yan, girl. He's a nice catch. And look at those biceps, they're so yummy-yum!” Ika naman ni Jayda na halos alugin ang balikat ko.
Si Arielle ay kalmado lang sa tabi namin pero nakangisi habang ngumunguya ng bubble gum.
Hindi ako makangiti at lalong hindi makangiwi. Halos lahat ng atensiyon ng mga schoolmate naming nasa paligid ay nasa amin. At nitong mga nag-daang araw ay napagtanto ko na hindi pala masaya na parang nakasentro ang atensiyon ng mga tao sa'yo. People in this college started knowing me because of Harris Palma. May iilan na naiinggit ngunit lamang ang galit at nagtataas ng kilay.
Noon kasi pangarap ko ‘yon. ‘Yong mapansin ng mga tao. ‘Yong hahangaan ako pero ngayon ay nalaman kong hindi pala siya masaya. Dahil sa kabila ng paghanga ng iba ay hindi mawawala ‘yong mga matang mapanghusga.
Hindi ko rin magawang hindi intindihin ‘yon lalo pa at agresibo ang ilan na sirain ako. Ang tinutukoy ko ay si Margaux Tuazon at ang mga alipores nito. They were attacking me lalo na ngayon na hayagan nang nanliligaw sa akin si Harris Palma na ex-boyfriend pala ni Margaux.
“For you, Jhen.” Kaagad na inabot sa akin ni Harris ang isang maliit na paper bag na may imprinta ng isang sikat na jewelry store. May kasama iyong isang stemmed rose.
Umangat ang tingin ko sa mukha ni Harris at muntik nang maghugis puso ang mga mata ko. Pucha! Ang g’wapo ng taong ‘to. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang taong kinakikiligan ko lang ang mga picture sa social media, ngayon ay parati ko nang nakakaharap. At higit sa lahat, manliligaw ko na!
“Is this for what, Harris?” In-ingles ko rin s’ya para sosyal din ang atake ko. Nasa circle ako ng mga socialite kaya kailangan kong makibagay.
Hindi ko ipinapahalata sa kahit sino lalo na kay Harris Palma na patay na patay ako sa kanya. Sa harap nilang lahat ay isa akong conservative at inosenting dalaga na pino ang kilos at malumanay ang pananalita. Yes, I'm indeed a great pretender at hindi nila puwedeng mabisto ang totoong pagkatao ko. Baka mahimatay silang lahat oras na malaman nilang serbidora ako sa isang wild club at lantad ako sa kamunduhan dahil sa uri ng trabaho ko sa Dominatrix Dirty House.
“Random gift for the most beautiful girl in my eyes. Take it please, Jhen.” Si Harris na hindi inaalis ang titig sa mukha ko kaya naman ay hindi ko mapigilan ang pag-init ng pisngi ko.
Ang ganda ng mga mata n’ya. Nakakabighaning kulay-kape. At ang gentleman niya magsalita hindi kagaya ni Mr. Attorney O na ang manyak ng dating pero séxy...
Shít! Bakit ba bigla-bigla na lang sumusulpot sa isip ko si Mr. Attorney? This is really bad.
“And about the Subic cruise, Jhen. You don't need to worry all about your expenses. It's all on me. All you need to do is to join us. Sapat na sa akin ang makita at makasama ka sa short vacation na ‘yon, Jhen.” Buong simpatikong sabi pa ni Harris.
Rinig ko ang hiyawan nina Clover at ang buskahan ng grupo ni Harris na karamihan ay kasali sa pangunahing kupunan ng basketball team ng eskuwelahan.
“Besh, ‘yong gift. Kunin mo na baka magbago ang isip.” Bulong sa akin ni Clover.
Kaswal akong ngumiti kay Harris at kunwari ay nag-alangan pa akong kunin ang bigay niyang jewelry at bulaklak. Pa-hard to get ang peg ko kasi ayaw kong sabihin niya na atat na atat na akong patulan siya ngunit iyon naman talaga ang totoo.
Humakbang siya palapit sa akin. Hindi naman ako umatras. Nahigit ko ang hininga ko nang bumaba ang mukha niya sa mukha ko. I hold my breath at napapakurap kong sinalubong ang mga mata niya.
“Kailan mo ba ako mapagbibigyan kahit isang dinner date lang, Jhen? Wala ka namang dapat na ikabahala kasi kaya kitang ipaalam sa parents mo.”
“Maybe next time, Harris. I promise.” ‘Yon lang ang sinabi ko sa kanya at bagaman at gumuhit ang kabiguan sa mga mata niya ay ngumiti pa rin siya sa akin.
“You are so beautiful. I can't for you to be officially mine, Jennylyn Munar.”
Lumakas ang tilian nina Clover pati na ng ibang nanonood sa amin along the corridor nang dampian ako ng magaang halik ni Harris sa kaliwang pisngi ko.
“See you around, Jhen.”
“Yeah.” Tumango ako kay Harris.
Nagpalitan na kami ng phone number ni Harris. Sa buong isang linggo ay pinakitaan niya ako kung paano siya kasugid manligaw. I like him even more because of his efforts. Nasabi ko sa sarili ko na malapit na malapit na akong magka-boyfriend. Plano ko siyang sagutin sa Subic trip namin.
“Paano ba dapat sagutin ang isang manliligaw, Leine? I mean, ano ba ang dapat kong sabihin?” Curious kong tanong sa co-waitress kong si Madeleine. Dating babae ng Dream Fortress si Madeleine. Ang DF ay ang class-A p**********n house na pagmamay-ari ni Madam Hera. Siya rin ang punong nangangasiwa ng Dominatrix Dirty House.
Alas dos na ng madaling araw at naglilinis na kami ng club before closing. Miyerkules pa lang ngayon kaya kaunti lang ang customer. Hindi kagaya tuwing weekend na halos alas kuwatro na kami nagsasara. Kaya pagdating ng Lunes ay bangag talaga ako sa klase. Mabuti na lang at dahan-dahan na akong nakakapag-adapt sa bagong routine ko. Nagdagdag na rin ako ng vitamins para naman kahit papaano ay lumakas-lakas ang resistensya ko at hindi muna makinabang ang St. Peter sa bangkay ko.
“Bakit? Sasagutin mo na ‘yong dream guy mong artista?” seryosong tanong ni Leine sa akin.
Mahina akong tumango habang nagpupunas ng mesa. “Gusto ko siya, Leine. Pinapangarap ko siya, alam mo ‘yon. Ayaw kong sayangin itong pagkakataon na ito na maging boyfriend ko ang lalaking akala ko ay sa pangarap ko lang maaabot.”
Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay nananaginip pa rin ako ng gising na nagugustuhan na rin ako ni Harris Palma. Siya lang kasi ang ideal man ko. Saksakan ng guwapo, macho, simpatiko, sikat at higit sa lahat ay galing sa mayamang pamilya.
Twenty-three years old na ako at never pa akong nagka-boyfriend. Iilan na rin ang nagtangka na manligaw sa akin na mga katrabaho ko at customer sa club pero wala ni isa sa kanila ang nagustuhan ko. Umaayaw ako ‘lagi. Pangarap ko kasi talaga na makapag-asawa ng mayaman. Naniniwala ako na kabilang sa alta sociedad ang nakatadhana sa akin. And I guess that would be Harris Palma.
“Kilalang-kilala na kita, Jhen. Mahabang panahon na ang pinagsamahan natin dito sa trabaho. Marami na rin tayong inaalagaan na mga sikreto kaya nararamdaman kong d’yan ka mapapahamak sa plano mong ‘yan.” Seryoso pa rin ang mukha ni Madeleine. Napuna ko rin ang concern sa boses niya.
Ngumuso ako at bumagal ang pagpupunas ko sa mesa.
“Kapag naging nobyo mo ‘yang dream guy mo, paano kung kumaripas ‘yan paalis ‘pag nalaman n’ya na hindi ka naman talaga ampon ng mayamang mag-asawa? Na serbidora ka lang dito sa club? Hindi lang sa telenovela malulupit at matapobre ang mga mayayaman na ‘yan, Jhen. Mas masahol sila sa totoong buhay. Sasaktan mo lang ang sarili mo kapag ayawan ka ng lalaking ‘yan lalo pa’t gustung-gusto mo ‘yan.”
“Nag-iingat naman ako ng husto na hindi ako mabisto, Leine. At mas mag-iingat ako kapag kami na ni Harris.”
“Kahit na, Jhen.” Salungat ni Madeleine. “Hindi mo habang-buhay na maililihim ang pagkatao mo.”
Medyo tumalas na ang tingin niya sa akin kaya alam ko na kailangan kong ikonsidera ang opinyon n'ya. Si Madeleine kasi, kahit hindi ko s'ya kadugo ay parang istriktong ate na ang turing ko sa kanya. I always hear and consider her lectures kasi alam kong may punto s'ya. At higit sa lahat ay alam kong nagmamalasakit s'ya sa akin.
“Kapag sinagot mo 'yang Harris Palma na ‘yan, alam kong tinitingnan mo na rin ang posibilidad ng kasal. Sabihin mong mali ako? Mali ba ako ng pagkakakilala sa’yo, Jhen?”
Nag-iwas ako ng tingin.
“See?” She scoffs. “Sabihin na nating talagang gusto ka n'ya pero paano kapag nagkabukuhan na? Paano kung takbuhan ka n'yan tapos nabuntis ka pala?” Pangaral sa akin ni Madeleine.
Ni katiting ay hindi ako na-offend sa alin man doon sa sinabi n'ya. Nauunawaan ko na binubuksan lang n'ya ang isip ko sa mga posibilidad na hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin. Inaamin ko na sa sobrang tayog ng ambisyon ko ay hindi ko na naiisip ang magiging negatibong resulta nitong mga kasinungalingan ko.
“Mag-iingat na lang ako, Madeleine. Susubok lang akong makipagrelasyon. Ito kasi iyong time na parang dininig ang dasal ko kasi sa wakas ay nagustuhan ako ng lalaking akala ko ay suntok sa buwan kong makikilala.” Aalisin ko na lang sa isip ko ang ambisyon ko na makapag-asawa ng mayaman na kagaya ni Harris.
Sa ngayon ay itutuon ko na lang ang atensiyon ko sa magiging relasyon namin. Pero umaasa pa rin ako na kahit na mabuking ni Harris kung sino talaga ako, sana lang ay hindi niya ako talikuran. Pero sino ba ang niloloko ko? Natural na kamumuhian niya ako. Ngayon pa lang ay nanlulumo na ako.
“Tuparin mo iyang sinabi mo, Jhen. Ibayong pag-iingat ang kakailanganin mo lalo na kung magiging opisyal mo na’ng nobyo ‘yan. Asahan mong kakalkalin niyan ang tungkol sa buong pagkatao mo.”
Dumating na ang finals ng first semester ko sa first year kaya puspusan ang pag-study ko to the point na hindi ko na magawang gampanan ang online raket ko sa Dominatrix Dirty House. Nagfocus kasi talaga ako sa pagre-review dahil ayaw kong biguin ang sarili ko.
At sa awa ng Diyos ay nakakuha ako ng magagandang marka mula sa exams ko. I feel so proud of myself. Naiiyak na ako kahit hindi pa official ang grades kasi alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang lahat ng makakaya ko maitawid ko lang ang semester na ito. Batid kong malayo pa ang tatawirin ko pero at least naihakbang ko na ng isang baitang ang pangarap ko.
Sa nagdaang mga araw ay hindi ko na mabilang kung makailang beses na akong muntik nang mag-online para sa online raket ko. Sobra-sobra ang pagtitiis na ginawa ko para lang makapag-focus ako sa studies ko. Aaminin ko na may parte sa akin na nami-miss ang masugid kong kliyente na si Mr. Attorney O. Nami-miss ko ang séksi niyang boses.
Dumating ang araw na nag-iimpake na ako ng mga dadalhin ko sa Subic trip namin next week nang sa hindi ko inaasahan ay natunton ni Mama ang apartment ko. Naalarma ako.
“Ang sama mong anak!” Malakas na sampal ang isinalubong sa akin ni Mama nang patuluyin ko siya sa apartment ko.
Ang sama ng tingin niya habang iginagala niya ang kanyang tingin sa kabuuan ng apartment ko. Mapakla siyang nagbuga ng hininga nang ibalik sa akin ang galit niyang mga mata.
“M—ma, paano ho ninyo nalaman kung saan ako nakatira?” Garalgal ang boses na tanong ko. Hawak ko ang kaliwang pisngi ko na mahapdi dahil sa sampal ng nanay ko.
“Puro ka pala pasarap dito sa Maynila! De-aircon ka pang walanghiya ka! Nakalimutan mo na ang obligasyon mo sa pamilya natin, Jhen! Sino ang lumalason sa utak mo para sarili mo lang ang atupagin mo ha? Sino?”
“W—wala ho, Ma. Wala.”
“At napakasinungaling mo!” Singhal sa akin ni Mama. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Namumuhi.
Hindi ko naman na kailangan na ipagtaka iyon dahil simula't sapol ay sumpa ang tingin sa akin ni Mama. Masamang sumpa sa buhay n'ya. Ako kasi ang bunga ng panggagahasa kay Mama ng kung sinong demonyong ni minsan ay hindi niya pinangalanan.
“Dalawang araw na kaming tumatawag sa'yo. Hindi ka man lang makontak!”
“Bakit po, Ma? Ano po'ng nangyari?” Imbes na ipaalam sa kanya na sa loob ng isang linggo ay wala akong ginawa kundi ang magbabad sa mga aralin ko para sa final exams ko. Hindi ko na tinangka na sabihin dahil alam kong hindi mauunawaan ni Mama ang rason ko kung bakit naka-off ang phone ko. Umiwas kasi ako sa distraction.
“Nasa ospital ang Papa mo. Na-stroke!”
Natutop ko ang bibig ko at unti-unti na namuo ang luha sa aking mga mata.
Sumama ako kay Mama sa Canvertudez sa kagustuhan kong makita ang lagay ni Papa ngunit sa hindi ko maintindihan na dahilan ay imbes na sa ospital ay sa isang magarang bahay sa bayan ako dinala ni Mama.
Mahigpit ang hawak ni Mama Nanda sa pupulsuhan ko habang hatak-hatak niya ako papasok ng gate.
“Mama, ano hong ginagawa natin dito? Kaninong bahay ‘to, Ma?” Labis na pagtataka ko.
“Bahay ni Attorney Osiris at dito ako namamasukang katulong sa loob ng ilang buwan.”
“Pero bakit mo ako isinama rito, Ma? Nasaang ospital po ba si Papa? Nais ko siyang kumustahin, Ma. Pupuntahan ko s'ya.” Halos mabasag ang boses ko nang magmakaawa ako kay Mama.
Maligasgas niyang pinakawalan ang pupulsuhan ko nang nasa portico na kami ng bahay. Nakita ko sa unang pagkakataon kung paano lumamlam ang tingin sa akin ni Mama. Ayaw kong kumurap sa takot na baka guni-guni ko lang iyon.
“Malaki ang nautang ko kay Attorney Osiris, Jhen. Nasa isang daang libong piso na. Hindi ko na magagawang mamasukan dito bilang katulong habang nasa ganoon ang kondisyon ng Papa mo dahil kailangan ko siyang alagaan.”
Bumaba ang tingin ko sa kamay ko na maingat na kinuha ni Mama. Parang hindi ako makahinga nang may sumulpot na tila batong bumara sa lalamunan ko nang lumuhod sa aking harapan si Mama at umiyak.
“Makikiusap ako sa'yo ngayon, Jhen na ikaw muna ang pumalit sa akin na maging kasambahay dito. Nakausap ko na tungkol dito si Attorney at pumayag na s'ya. Jhen, nakikiusap ako. Ayaw kong mapahiya kay Attorney dahil malaki ang utang-na-loob namin sa kanya ng Papa mo. Ikaw lang ang inaasahan ko, Jhen.”