Kabanata 12 Secret Marriage Ang sama ng tingin ni Attorney Jadraque sa apartment kong nasa tapat kung saan nakahimpil ang old Sedan niya. Nag-insist siyang ihatid ako rito ngayon at alas sinko kami nakarating dito sa Maynila. Limang oras mahigit din ang biyahe mula Canvertudez papunta rito sa Maynila. “Buksan mo na itong pinto. Bababa na ako.” Malamig kong utos sa kanya dahil mahigit sampung minuto na kaming walang imikan dito sa loob ng sasakyan niya. Hindi niya binubuksan ang pinto sa gilid ko. Kanina ko pa gustong makalayo sa kanya. Naaalibadbaran ako sa presensiya niya hindi lang dahil sa nadiskubre ko sa silid na iyon kagabi kundi pati na rin ang pagtsi-tsismis ng dalawa kanina sa akin na naturingan pa namang witness sa kasal namin. Pero hindi ko na pala dapat na isipin ang kasal