Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Naninibago ako sa suot kong gown. First time kong magsuot ng ganito sa tanang buhay ko. First time ko ding maayusan ng mukha. Si Allen ang nag make up sa akin pati hairdo ko na naka close bun sa taas. Pero yong mga baby hair ko ay hinayaan lang niyang nakalugay. Kinulot-kulot lang niya yon upang babagay sa mukha ko. Halos di ko makilala ang sarili ko matapos niya akong maayusan. "Charran. All done na ate. Grabe, parang hindi ikaw to te. Lumantad ang natatago mong ganda." sabi ni Allen. "Nambobola ka na naman." sagot ko sa kanya. "Totoo kaya, lagi ka kasing naka pantalon at walang paki sa itsura mo kaya di mo napansin ang kagandahan mo." sagot nito sa akin. "Oo na lang, nang matapos pambobola mo." natatawang sagot ko sa kanya. Pero totoo ta