Nasa comfort room ako nang hotel na kung saan idinaraos ang charity event na ito. Kakatapos lang naming kumain at nakaramdam ako na nanunubig kaya nagpaalam ako sa kanila na mag cr muna. Akmang sasamahan ako ni Blaze ngunit tinanggihan ko dahil kaya ko naman. Sinabihan ko na lang na bantayan niya ang kambal. Matapos magbawas ay naghugas ako ng kamay. Sa puntong ito pumasok si Lhara sa banyo. Akala mag banyo din siya ngunit sumandal lang ito sa ding-ding habang pinanuod ako. Nakahalupkip lang ito habang nakatingin sa akin. Baliwalain ko lang sana ng magsalita siya. "Talagang feel na feel mo ang maging nanay ng kambal, huh?" nang-uuyam na sabi nito sa akin. "Hindi naman, nagkataon lang na sa akin pinagkatiwala ni Blaze ang kambal." mahinang sagot ko sa kanya. "At sinamantala mo naman