Sakay kami ngayon ng sasakyan ni Blaze kasama ang kambal. Papunta kami ng sa mansion nila. Request ng mommy niya ang makita ang kambal. Matagal na daw gustong makilala ng mommy at daddy nito ang kambal ngunit ni respeto nila ang nais ni Blaze na wag kaming guluhin ng mga bata. Pagdating namin sa bahay nila ay namangha ako, pati ang kambal sa laki nito. Sa labas pa lang ay nakikita na kung gaano karangya ang buhay nila. Hindi ito nagpapahuli sa bahay ni Blaze sa Jordan. "Wow, bahay mo to, papa?" amaze na tanong ni Daniel kay Blaze. "No. This is grandma and grandpa's house." sagot nito sa anak. "Ang ganda po." sabi naman ni Lucian. "Gusto nyong tumira dito?" tanong ni Blaze sa kambal. "Pwede po? Pati rin si mama dito na rin titira?" tanong Lucian. Pareho kaming natigilan ni Blaze