Nagmamadali kami ng kambal sa kilos namin. Late na kaming nagising pareho. Mag-aalas dos na akong nakatulog kanina dahil sa kakaisip kung paano ko ma contact si sir Blaze. Hindi ko alam mong saan ko siya dito sa Pilipinas hahanapin. Nag research ako tungkol sa kanya at nalaman kong isa siya sa pinakamayamang bilyonaryo na may iba't- ibang negosyo sa labas man o loob ng bansa. "Nay, alis na po kami." paalam ko kay nanay. Ihahatid ko ang kambal sa school. Mamaya dadaanan sila ni Allen pagka-uwian na. Mas maaga kasi ang klase ni Allen tuwing umaga kaya di niya masabay ang mga bata. "Sige, anak ingat kayo." sigaw ni nanay. "Bye, lala." paalam ni Daniel. "Bye, la." sabi naman ni Lucian. "Bye, mga apo. Ingat kayo, wag malikot sa klase." bilin ni nanay sa kanila. "Opo." saba