Dumating ang araw, kabuwanan na ni miss Hara. Hindi mapakali si sir Blaze habang nandito sa labas ng delivery room. Pabalik-balik ito ng lakad. Kahit naman ako ay kinakabahan din. Ang tagal kasing nag labor ni miss Hara. Halos umabot ng 32 hours bago siya tuluyang pinapapasok sa delivery room. Maya-maya may lumabas na nurse. "Who is Jernibabe?" tanong nito. "Ako po." sagot ko dito habang itinaas ang isang kamay ko. "Come with me. The mother wants to talk to you." sabi nito. "What? What about me? Can I come too?" tanong ni sir Blaze sa kanya. "But-" "Let's go. We don't have time anymore." sabi nang nurse sa akin. Di na niya pinatapos mag salita si sir Blaze. Tumingin muna ako kay sir Blaze kung papayagan ba niya ako. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon. Halatang napipilita