Chapter 32: Words Unsaid 2

1540 Words

"H-hindi dito ang daan papunta sa condo ko!" nagpa-panic na reklamo ni Sophie kay Rob nang makalabas na sila ng ospital. "Hindi ka safe sa condo mo. Nag-iisa ka lang do'n. At sa kalagayan mong 'yan," Sumulyap ito sa kanya, mabilis na ipinasada ang mata sa braso niyang may sling, bago ibinalik sa daan ang tingin. "I highly doubt if you can function like a normal person. Kaya uuwi ka sa inyo, sa ayaw at sa gusto mo, Sophie." Napanganga siya. Ayaw niyang umuwi. Hindi siya puwedeng umuwi. Home means she'll see Rob 24/7. And though being home also means she'll see Tito Ben and Tita Mae, it could also mean a chance encounter again with the Reyna ng kaantipatikahan and isinawsaw-sa-glutathione-girl Rachel! And being bothered by her feelings all the time is the least thing she needs right now!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD