Chapter 2: Everyone's Playing Cupid 1

1826 Words
"Hello po, Tita Mae," bati ni Sophie sa ina ni Rob na noon ay abala sa pag-i-spray ng alaga nitong halaman sa orchidarium. Namilog ang mga mata nito nang makita siya. "Oh my, it's really you, hija!" Nagmadali itong lumapit sa kanya at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Retired biology professor ito sa isang unibersidad sa Maynila at ngayon ay may mina-manage itong orchid farm sa Batangas. "When Rob told me that you are home, hindi ako naniwala agad. Why, this is a nice surprise!" anito bago siya binitiwan. "You've grown prettier, hija," magiliw pang sabi nito bago magaang pinisil ang pisngi niya. Bata pa siya ay hilig na nitong gawin iyon sa kanya. Kapag kuwan'y nagsalubong ang kilay nito. "Pero parang pumayat ka. Naku, ginugutom mo 'ata ang sarili mo doon, anak. Hindi maganda 'yan. Sandali magpapahanda ulit ako ng breakfast?" "H'wag na po, Tita. I just had my breakfast," tanggi niya. "Then this is the day that you will have a double breakfast," determinadong sagot ng matandang babae. "And don't you say no. Magagalit ako," dugtong pa nito. Hindi na siya nakasagot pa dahil mabilis itong pumasok ng kabahayan. Naiwan siya sa garden set malapit sa pool. Pagbalik nito, may bitbit na itong dalawang baso ng juice. "Have a drink first. Nagpahanda ako ng Filipino breakfast na paborito ninyo ni Rob," deklara ni Tita Mae, habang excited na isinilbi sa kanya ang baso ng juice. Tita Mae had always been kind and treats her like the daughter she never had. The woman's kindess and radiance is reflected on her round pretty face. Tita Mae had always been on the plump side ever since. But she had a beautiful pair of dark eyes, bagay na namana ni Rob. Mabilis siyang sumimsim ng juice sa baso at ibinaba rin iyon pagkatapos. "Before I forget, Tita, may pasalubong po ako sa inyo ni Tito Ben," aniya habang iniaabot ang dalawang paper bags sa matandang babae. Atubili iyong tinanggap ni Tita Mae. "Naku naman anak, nag-abala ka pa." "Okay lang po 'yon, Tita. Talagang para po sa inyo 'yan talaga. Regalo ko po sa inyo ni Uncle Ben. Isipin niyo na lang pong pasasalamat ko sa inyo sa pagtingin-tiingin kay Daddy habang wala ako," Ngumiti ito, sumingkit ang mga mata. "That's so sweet of you, Sophie. Pero hindi mo na kami dapat pasalamatan sa pagtingin-tingin namin sa Daddy mo. Aba, e halos pamilya na ang turing namin sa inyo ng Daddy mo a. Binabayaran ba ang pagmamalasakit sa kapamilya?" Tinapik-tapik nito ang kamay niya. "But thanks anyway, hija." Umupo na rin ito sa garden set, sa mismong tapat niya. "Si Rob po, Tita?" "Natutulog pa." Pagkasabi niyon ay tumunog ang telepono sa salas. "I have to get that," paalam nito. Pero sumunod siya sa ginang nang pumasok ito sa kabahayan. Nang makita siya nitong sumunod, bumaling ito sa kanya. "Please be a sweetheart Sophie at ikaw na nga lang ang pumanhik para gisingin 'yong kababata mo. Kanina pa kasi may tumatawag na Rachel daw ang pangalan," naiiling na sabi nito bago dumiretso sa nagri-ring pa rin na telephono. Tumango siya bago umakyat ng hagdan. Rachel? Must be the new girl. If there's one thing he can't stand with her bestfriend, it's his appetite for women. Three months. Ayon sa kanyang kababata, may expiration date ang isang relasyon at 'yon ay hanggang three months lang, no more no less. Nawawalan daw kasi ng excitement at spice ang isang relasyon habang tumatagal. And according to Rob, three months is more than enough to determine if a relationship is for keeps or not. At kung saan napulot ni Rob ang ganoong pilosopiya, malay niya. Basta ang alam niya, Rob gets to have four girlfriends each year. And before she could even memorize the poor girl's name, Rob has already ditched her. Marahan niyang kinatok ang kuwarto ng kababata nang marating niya iyon. Ngunit nakakailang katok na siya ay hindi pa rin siya nito pinagbubuksan. Which is unusual because Rob has always been an early riser. "Rob, it's me Sophie. Open up you drooling sleepyhead!" malakas niyang sigaw bago ulit kumatok. Mas malakas kaysa nauna. Makalipas ang ilang minuto at nanatiling nakapinid ang pinto ng kuwarto ng binata ay nabuo sa isip niya ang isang plano. If there's a will there's a way. ----- Labis ang pagtataka ni Rob nang biglaang mawala ang boses ni Sophie sa kabilang bahagi ng pinto. She won't give up that easy, he thought. Muli niyang isinubsob ang ulo sa unan at inutusan ang sarili na matulog, ngunit bigo siya. Naistorbo na ang tulog niya at malakas na rin sa tenga niya ang iba't ibang tunog na nagmumula sa labas. Aburido siyang bumangon at tinumbok ang banyo upang sana ay mag-shower. Hindi pa siya nakakalayo sa kama nang makarinig siya ng kaluskos mula sa veranda ng kanyang kuwarto. Maya-maya pa, bumukas pagilid ang sliding door ng veranda at sumungaw doon ang bulto ni Sophie. "Roberto Miguel!" nakapamaywang nitong sigaw nang tuluyang makapasok sa kuwarto niya. "Gising ka na pala e. Alam mong kumakatok ako ba't ayaw mo 'kong pagbuksan?" Napahilamos siya sa mukha niya nang wala sa oras. Nagtataka niyang nilampasan ang kaibigan at sumilip sa ibaba ng veranda na pinagmulan nito. Naroon ang hagdang-kawayan na nakaimbak sa likod-bahay nila. Napapantastikuhan niya itong nilingon. Natatawa naman itong humilata sa kama na parang walang ginawang kababalaghan. Her laughter rang in his ears like a sweet song he missed of hearing. He does not know but he suddenly found her laughter amusing, attractive and...sexy. Sexy? Ipinilig niya ang kanyang ulo. Sa pag-aakalang maalis sa pamamagitan niyon ang ka-weirduhang tumatakbo sa kanyang isipan. Nagtataka rin siya kung bakit biglang uminit ng pakiramdam niya gayong naka-full ang aircon sa kuwarto niya. Could it be because of Sophie's presence? Damn! Wala naming bago d'on, a. Noon nga, magkatabi pa silang natutulog na dalawa sa kama pero hindi naman siya nakaramdam ng gano'n. He groaned silently. Kung anu-anong ka-weirduhan ang pumapasok sa isip niya mula pa kagabi mula nang muntik na silang maghalikan nito. Late na siyang natulog dahil do'n. At mukhang wala pa rin sa ayos ang isip niya dahil nabulabog ang gising niya kaya gano'n ang nararamdan niya. Pinili niyang pangaralan ang kababata. "You're really impossible, you know?" Daig mo pa ang akyat-bahay, a. Hindi ka na bata, Sophie. You could've fallen, you know?" "But I did not!" she casually retorted. "Can't you see, I'm still in one piece." He huffed and gently shook his head. Mula noon, hanggang ngayon, hindi talaga siya kailanman mananalo sa arguments ni Sophie. Talking to her is like talking to his stubborn and arrogant self! "So, tinuro na rin sa 'yo kung paano rumampa sa pader?" Ngumsi ito. "Nope. But that's my special talent. Pinag-aaralan ko pa lang nga kung ilalagay ko sa bio-data ko." "Isama mo na rin ang pagkain ng isaw, adidas, at kwek-kwek". Nagninging ang mga mata nito, parang may narinig na kaaya-aya. Bigla itong bumangon at lumapit sa kanya."Exactly! Kaya maligo ka na at ilibre mo ako do'n sa ihawan nila Aling Panyang," anito, bahagya pang hinila ang manggas ng suot niyang kamiseta. Ang tinutukoy nito ay ang tindahan ng mga street foods malapit sa St. Gabriel University kung saan sila nag-aral ng college. Tumaltak siya. "Magpapalibre ka lang pala, nag-akyat bahay ka pa. Ito na ba ang simula ng pagbabayad ko sa bigay mong relo?" Umirap ito. "Nyenye! You talk too much, Roberto. Maligo ka na nga! You stink, you know," anito bago humakbang patungo sa pinto. Inamoy-amoy niya ang sarili. "I don't stink. That's just the smell of all my awesomeness you're not used to." She rolled her eyes in annoyance and covered her ears with her hands "Oh God! Conceit becomes you!" Natawa na siya. "Sige na, lumabas ka na. Hintayin mo na lang ako sa baba." She just rolled her eyes again before turning the knob. Maya-maya pa, muli itong humarap sa kanya. "May pinapasabi pala si Tita Mae. Kanina pa raw tumatawag si Rachel. Who's she? Next victim?" Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang pangalan ng girlfriend niya. Ni hindi niya ito natawagan kagabi upang magpaliwanag. He silently cursed himself for acting weird. Imbes na sagutin ang kaibigan, inutusan na lamang niya itong bumaba na at doon siya hintayin. He quickly checked his cellphone and found dozens of missed calls from Rachel. He knew he's in so damn trouble! Imbes na tawagan ang nobya, dumiretso siya sa banyo at itinapat ang sarili sa dutsa. Hiling niya na sana ay kasamang tangayin ng tubig ang anumang kalituhan sa kanyang sistema. ----- Isang simpleng kasalan ang ginanap sa rose garden ng mga Mendoza nang hapon ding iyon. Imbitado lamang ang malalapit na kamag-anak at kaibigan ng bawat partido. Doon na rin ginanap ang reception. Hindi mapigilan ni Sophie ang maiyak habang pinagmamasdan sa dance floor ang kanyang ama at madrasta na masuyong sumasayaw. Matagal na niyang hindi nakikita ang mga ngiting iyon mula sa kanyang Daddy. And she is genuinely happy for him. "Ting," mahinang tawag sa kanya ni Rob na hindi niya namalayan ang paglapit sa puwesto niya malapit sa mobile bar. May hawak itong champagne flute sa isang kamay nito. "Inggit ka, 'no?" Umirap siya. "Masaya 'ko para kina Daddy at Tita Lucy. At saka bakit ako maiingit? I know for a fact that when it's time, Mr. Right will come and find me. Or, kapag nainip ako, I'll just look for him instead. " Humugong ito, nang-aasar. "Paano mo mahahanap si Mr. Right kung NBSB ka?" Bumaling siya sa kababata, pinakatitigan ito bago ngumisi. "Sure ka ba na NBSB ako?" Rob cleared his throat, pumormal. "Bakit? May... may boyfriend ka na ba?" Napahawak siya sa baba niya at kunwaring nag-isip. Maya-maya pa, tahimik siyang nagbilang gamit ang kanyang mga daliri. Nanlaki ang mga mata ni Rob, nagsalubong ang mga kilay. "Seriously, more than one? Bakit hindi ko alam? Sino-sino sila?" Natawa na siya sa itsura nito. "Sa tindi ninyong manakot at mangbugaw ni Dad sa mga manliligaw ko, sa tingin ninyo may makakalusot?" "Dapat lang, baka kung sino-sino lang manligaw at mang-uto sa 'yo, mahirap na! Given a chance, I'll break those bastards face myself!" deklara nito bago sinaid ang laman na alak ng champagne flute na hawak nito. Napangiti siya. OA na kung OA but she felt the genuine concern on Rob's voice. And it warmed her heart knowing that Rob was and will always be her protector no matter what. "Kapag na in-love ako, I'll let you know," aniya maya-maya. "Dapat lang!" Napairap siya. "Hindi ka rin demanding, 'no?" sarkastiko niyang sabi. "Hindi talaga," mabilis nitong sagot, sinaid pa ulit ang laman ng champagne flute na kare-refill lang. Natawa na siya, sinusumpong naman ng kasungitan ang kababata. "Tara, sayaw tayo," aya niya rito. Marahan niya itong hinila patungo sa gitna ng make-shift dance floor. Nagsisinuran din ang iba pang mga bisita. Masungit si Rob hanggang natapos ang party.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD