"Mommy, look! Siya 'yong nasa billboard o!"
Napalingon si Sophie sa direksiyong pinagmulan ng tinig. She saw a giddy little girl in pigtails looking at her. Nginitian niya ito pati na rin ang nanay nito. Maya-maya pa, may lumapit na grupo ng mga dalagita at nagpa-picture sa kanya. She happily obliged. Nang makaalis ang mga ito ay binilisan niya ang lakad. Kanina pa siya nakikilala ng mga tao na kasabayan niyang lumalabas mula sa arrival area ng NAIA Terminal 3. Hindi magtatagal, dudumugin na siya ng mga tao. Kabisado na niya ang ganoong eksena.
Well, that's the price she had to pay for being famous. She is Sophia Ysabelle Benitez, one of the most sought after supermodel of her generation.
Milagro. Iyon ang nangyari sa kanya. Sino ang mag-aakalang ang sinasabihang haragan at mukhang lalaki ng mga kalaro niya ay isa na ngayon sa mga pinakapaboritong ramp model at cover ng mga fashion magazines both here and abroad. But what gained her popularity was when she posed on her two-piece swimsuit for Mateusche, an international clothing brand featuring its summer collection about two years ago. Sumuot man siya sa butas ng karayom upang makumbinsi ang Daddy niya sa karerang napili, masasabi niya ngayong worth it 'yon because she's living her dream? to celebrate her beauty and get paid for it. At ngayon ang unang uwi niya mula sa mahigit isang taong pamamalagi sa Paris.
Actually, wala siyang pinagsabihan na uuwi siya. She wanted to come home in a quiet fashion. She wanted to surprise everyone at home lalo na ang Daddy niya. Kaya lang, malapit na siyang lumabas mula sa arrival area nang mapansin niya ang mga reporters at paparazzi na nag-aabang sa kanya sa labas. She paused and heaved a deep sigh of frustration. Alam niyang gusto siyang kausapin ng mga ito tungkol sa panliligaw diumano sa kanya ni Phil? anak ng isang shipping magnate sa New York. Wala siyang ganang sumagot ngayon sa mga intriga at ayaw niyang sirain ang surprise homecoming niya sa Daddy niya.
Mabilis siyang nag-isip at agad na kinausap ang isang staff ng paliparan. Sinamahan siya nito sa enclosed VIP area. Pag-upong pag-upo niya sa lounge chair, inilabas niya ang cellphone at nagsimulang tumawag.
-----
"s**t! This better be important or else?" asar na sagot ni Rob sa cellphone niya.
"Or else what Roberto?"
"Sophie?"
"Who else? None of your girlfriends have a pretty voice like me."
Napahugong siya. Now he's sure, he's really talking to Sophie.
"What do you want?" Pupungas-pungas siyang bumangon mula sa kama bago tumingin sa kanyang sports watch. Biyernes at mag-a-alas nueve pa lang ng gabi. The night is still young. Siguradong nasa trabaho pa ito. Kaya nagtataka siya kung bakit ito napatawag ng oras na iyon.
"I need your help, Pronto!"
Tumaltak siya at hinagod ng kamay ang buhok. "Busy ako ngayon e," pabulong niyang sagot. Sinulyapan niya si Rachel sa kabilang bahagi ng kama. Manipis na kumot lamang ang tumatakip sa hubad na katawan nito. He knew his girlfriend was exhausted from their lovemaking at ayaw niyang magising ito. Maingat siyang bumaba ng kama at nagsimulang magbihis.
"Even if it's a life and death situation?"
"Yeah. Even if Armageddon comes," pang-aasar niya.
"Hindi ako nagbibiro Rob! I need you to come and pick me up!" inis na sagot nito sa kabilang linya.
Napangisi siya. Aburido na ito, alam niya. Pero tuloy pa rin siya sa pangaasar. What the hell is wrong with her anyway?
"Don't patronize me that much, Sophia. Tao lang ako, hindi superhero. Paano ko liliparin ang Pacific Ocean para mapuntahan ka ora mismo?"
"Ano namang Pacific Ocean? Andito ako sa NAIA 3, engot! At saka, h'wag ka nga masyadong mayabang Roberto. Wala lang akong choice kaya ikaw tinawagan ko, 'no?"
Nagsalubong ang kilay niya. "You mean, you're home?"
He heard her huffed. "I just told you, haven't I?"
Napapalakatak siya. "Tingnan mo 'to, ikaw na nga ang may kailangan ikaw pa ang masungit. Ano ba kasing ginagawa mo riyan at 'di ka pa umuwi na lang?"
"I don't want to take a cab . At saka maraming reporters sa labas. I'm so beat and in no mood of answering questions." She heaved a deep sigh. "Sige na,come and pick me up. Please, Rob."
Naiiling niyang minadali ang pagbibihis.
He and Sophie practically grew up together. Limang taon ang tanda niya rito. Matalik na magkaibigan ang kanilang mga ama? kapwa sundalo ang mga ito at magka-batch sa PMA. Kaya hindi maiiwasan na naging malapit din silang dalawa ng dalaga. Habang lumalaki sila, marami ang nag-aakalang totoo silang magkapatid, lalo na ang hindi nakakakilala sa kanila.
Partners in crime, iyon ang tawag ng mga magulang nila sa kanila. No dull moments ang kanilang pagkakaibigan. Kalimitan kasi, puro kalokohan ang naiisipan nilang gawin tuwing magkasama sila. Noon iyon. Iba na ang ihip ng hangin ngayon. Kapwa na sila abala sa kaniya-kaniyang karerang pinili nila.
Si Sophie bilang modelo at siya naman, bilang owner and CEO of RMM Builders? isa sa mga top construction company sa bansa na kasalukyang nag-eexpand sa mga kalapit bansa sa Southeast Asia.
Ni sa hinagap ay hindi niya lubos maisip na magmomodelo si Sophie. Kakampi pa nga siya si Tito Cris? ang tatay ni Sophie, upang tutulan ang pagmomodelo nito. But Sophie had always been strong-willed and persistent, lalo na kung may gusto itong mangyari. And he admired her for that. Kagaya ngayon. Alam niyang kukulitin lang siya nito till God knows when hanggang hindi niya ito nasusundo.
"So?" pukaw nito sa kanya maya-maya.
"Alright, I'll be there in thirty minutes," sabi niya bilang pagsuko.
"Thank you, Rob! You really are the best!" excited na tugon nito bago pinutol ang linya.
Nakangiti siya habang itinutuloy ang pagbibihis. Nang makabihis, muli niyang nilingon si Rachel, natutulog pa ito. Tatawagan na lamang niya ito mamaya dahil tiyak niyang hindi na siya makakabalik pa sa condo ng kasintahan. Ilang minuto pa, binabagtas na niya ang daan patungo sa airport.
-----
"Daddy!" bulalas ni Sophie nang marating nila ang kanilang bahay sa isang eksklusibong subdibisyon sa Quezon City. Tumakbo siya sa nakalahad na bisig ng ama na si Ret. Gen. Crispin Mendoza. Mahigpit silang nagyakap na mag-ama. She terribly missed her father. Hindi rin biro ang mahigit isang taon. Lalo pa at malapit talaga silang mag-ama. Her father is the only parent she grew up with. Maaga kasing namatay sa sakit sa puso ang Mommy niya.
"I missed you, princess! Bakit naman kasi hindi ka nagpasabi nang maaga na darating ka pala ngayon, anak?"
Lumabi siya. "Why? Aren't you surprised, Dad?"
Ngumiti ang Daddy niya at magaan na pinisil ang kanyang pisngi. "Sino naming hindi maso-sorpresa, anak? Isang taon mahigit kang nawala at heto bigla ka na lang darating. Sinabi mo pa na hindi ka makakauwi sa kasal naming ng Tita Lucy mo."
Dumako ang tingin niya sa babaeng nakatayo ilang hakbang sa tabi ng Daddy niya. Ngumiti siya at bineso ito. Iyon si Tita Lucy, ang childhood sweetheart at mapapangasawa ng Daddy niya. She was on her last year in college nang muling magkita ang mga ito. At first she felt awkward that her father went back into dating. Subalit nang lumaon, naging okay na lang din sa kanya. She believes that her father deserves all the happiness in this world. And if he could find it with Tita Lucy, who is she hinder it?
"Mabuti naman at talagang nakauwi ka, anak," umpisa ni Tita Lucy. "Tuluyan na talaga sana akong magtatampo kung hindi ka makakadalo sa kasal naming ng Daddy mo." Lumabi ito.
"Puwede ba namn 'yon, Tita? I wouldn't miss your wedding for the world!" Ibinagsak niya sarili sa couch at humilata doon, "Namiss ko 'to! Nothing beats home," aniya bago niyakap ang throw pillow.
"Mabuti naman at nasundo mo itong kaibigan mo, Rob," anang Daddy niya kay Rob na kapapasok lang sa bahay nila.
"Anytime po basta si Sophie, Tito. 'No, Tingting?" anito bago ngumisi, nang-aasar. Nanikwas na naman ang nguso niya sa itinawag nito sa kanya.
Bumangon siya sa couch at gumanti rin ng ngisi. "Kaya nga sobrang thankful ako sa 'yo e, 'no Salot?"
Awtomatiko ang pag-ismid ng kababata. Nagkamot din ito ng batok. Natawa naman ang Daddy niya at si Tita Lucy.
"O siya, tama na muna 'yang asaran ninyong dalawa. Nagugutom ka ba?"magiliw na tanong ni Tita Lucy sa kanya. "Sandali at magpapahanda ako?"
"Don't bother, Tita. Okay lang po ako." Napatayo ito mula sa couch bago ito nilapitan ito. "Ang dapat po na ginagawa ninyo ay nagbu-beauty rest para sa big day tomorrow. Kaya matulog na po kayong dalawa ni Dad. Marami pa po tayong oras para mag-catch up sa mga susunod na araw." She smiled and quickly gave her dad and step-mother-to-be a goodnight kiss.
"O siya sige, matutulog na kami." Nasa hagdan na ang mga ito nang lumingon ang Daddy niya. "Ikaw din, Sophie, matulog ka na. Gabi na."
"Goodnight, Dad!" masuyo niyang sagot, nag-flying kiss pa. Nang pupulutin na niya ang handbag niya sa coffee table, nakita niyang nakatayo pa rin sa puwesto niya si Rob. "O, ba't nand'yan ka pa? Sabi ng Daddy ko matulog na raw ako dahil gabi na. Kaya umuwi ka na, Rob. Shoo! Tsupi!" Ikinumpas pa niya ang kamay patungo sa pinto.
Nalukot ang mukha nito. "Gan'on na lang 'yon? Matapos mong bulabugin ang weekend ko, papauwiin mo ko nang wala man lang pakonsuwelo?"
Nag-isip siya kunwari. "E 'di, thank you, Rob. Napakabait mong tao lalo na sa mga nangngailangan ng tulong. Sana dumami pa ang lahi mo."
Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Naiiling itong nagkamot ng ulo. "H'wag na nga!" Inis itong tumalikod at humakbang patungo sa pinto.
She rolled her eyes and stopped him. "Sandali lang!"
Mabilis itong pumuhit paharap sa kanya, nakangisi. "'Miss mo na 'ko agad? Dalawang hakbang palang ang layo ko sa iyo o."
Napairap siya at humalukipkip. "Nyenye, feeling ka. May nakalimutan lang akong ibigay sa 'yo." She quickly fished a rectangular box from her purse and handed it to him. "Here you go. Late birthday gift ko sa 'yo. Baka kasi sabihin mo nagka-memory gap ako at hindi ko naalala ang birthday mo, Roberto."
Unti-unting binuksan ni Rob ang box. Lalong nagsalubong ang mga kilay nito nang makita ang nasa loob niyon.
"So?" untag niya sa kaibigan.
Napapantastikuahan itong nag-angat ng tingin sa kanya. "This is Rolex Cosmograph Daytona!"
"Yes! I have mine too!" excited niyang banggit bago ipinakita ang suot niyang relo na kaparehas ng bigay niya rito.
Nalukot na ang mukha nito. "But this is expensive, Sophie. Akin talaga 'to?"
Napaismid na siya. Rob doesn't like expensive things. College pa lang siya, pinangangaralan na siya nito tungkol sa mga tamang investments at kung anu-ano pa. That her investments should just be in stocks and properties and not on material things because the value of material things depreciates everyday. But she bought that watch with all her good intentions. And seeing Rob's half questioning and half-amazed look, he clearly does not appreciate her gift at all!
Napabusangot na siya.
"Akin na nga! Mukhang ayaw mo 'ata, e," aniya bago sinubukang abutin ang box na hawak nito. Kaya lang mabilis din nito iyong inilayo.
"Ito naman, nagsungit agad. Nagtatanong lang."
Umirap siya ulit bago lumabi. "E mukha kasing ayaw mo. Ang mahal pa naman niyan buti na lang binigyan ako si Francois ng discount kasi dalawa binili ko."
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. "And who is this Francois?" tanong nito, seryoso.
"He owned a watch retail company in Paris. Alam mo ba, bigatin mga naging kliyente niya. At saka?"
"Nanligaw sa 'yo?"
"Well, he gave me flowers for a week and took me to dinner once."
Umasim lang ang mukha nito, bumulong-bulong pa ng hindi niya maintindihan bago muling niyuko ang hawak nitong box ng mamahaling relo. "This is... just so unexpected."
"I bought that with my pay from my first ever runway job. I said to myself, I'd like to share that memory with you that's why I bought you one the same as mine."
Nag-angat ito ng tingin kapag kuwan'y ngumiti bago siya biglang kinabig payakap. Sa sobrang gulat niya, napatingala siya rito, not knowing that Rob was looking down on her. Muntik na tuloy magtama ang mga labi nilang dalawa.
Awtomatikong kumabog ang dibdib ni Sophie. A certain mix of emotions drowned her that for while she does not know what to do nor think first. Sandali pa silang nagtitigan na magkaibigan bago sabay na bumitiw sa isa't isa. Awkward silence fell afterwards.
"O, ayan, ha? Bayad na ko. Mahal 'ata ang hug ko," biro ni Rob nang makabawi.
She tried to roll her eyes in response. "Oh you're so hopeless, Mr. Mendoza! Umuwi ka na nga,"pagtataboy niya rito, pilit na itinago ang pamumula ng kanyang pisngi.
Tinawanan lamang siya nito. Muli itong nagpasalamat sa kanya bago tuluyang nagpaalam.
Nang makarating sa kanyang kuwarto, dinama ni Sophie ang kanyang dibdib. Her heart was still pounding erratically.
Dahil lang sa hug? tanong niya sa sarili. She closed her eyes and recalled the delicious warmth that crept through her skin when she was in Rob's arms. Even the feel of his lips almost touching hers. Now she wonders, how does it feel like to be kissed by Rob?
Napasinghap siya at marahas na ipinilig ang ulo. Parang gusto na niyang kutusan ang sarili nang tumama ang huwisyo niya. Heto at kararating lang niya, pero kung anu-ano na naming kabaliwan ang pumapasok sa isip niya.
Jetlag.
Kung magpapahinga siya siguro, mawawala ang agiw sa utak niya.
Tama. Kailangan na niyang magpahinga baka sakaling mawala ang kakaibang epekto ng pa-hug ni Roberto Miguel Mendoza.