Chapter 21: The Confusion Starts 2

833 Words

Nakasandal sa hamba ng pintuan si Rob habang hinihintay niya ang paglabas ni Sophie sa kuwarto nito. Kadarating lang niya mula sa bayan. Binilhan niya ito ng lahat ng klase pantalon, jogging pants at t-shirt. "Matagal ka pa ba?" inip niyang tanong maya-maya. "Nagmamadali? May lakad? Puwede bang sandali lang? Isa pa, maluwag lahat itong binili mo!" pasigaw na reklamo nito. "Mabuti na 'yan kaysa naman..." Hindi niya naituloy ang gustong sabihin nang maaalala ang itsura ng mga tauhan sa farm nang makita nila si Sophie kanina. Napailing siya. Ang lakas din kasing mang-trip ni Yaya Isay. Hindi naman honeymoon ang pupuntahan ng alaga nito pero bakit puro nighties ang iniempake nitong gamit ni Sophie. Maya-maya pa, natigilan siya. O baka naman talagang ganoon manamit si Sophie sa bahay nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD