"Hey where are you?" nag-aalala ang tinig nito. "I- I'm with Rob," halos pabulong lang ang pagkakasabi niya ng pangalan nito. "Really? When are you coming back? We're leaving early in the morning tomorrow." Napabuntong-hininga siya. Alam niya, nangako siya kay Phil na sasamahan ito sa Balesin para makipag-meet sa mga co-investors nito about an island he bought at kailangang i-develop. Pero dahil natalo siya sa karera kanina, malabo na niyang matupad ang pangako rito. "About that, I don't think I can't make it. S-something came up... and... I'm so sorry, Phil." Hindi agad sumagot si Phil. "Alright, don't feel bad about it. Just enjoy your time with the perfect guy," anito, nanunudyo. Alanganin niyang sinulyapan si Rob, naiwan ito sa sala at abala sa pagtipa sa cellphone nito. Mabuti na