CHAPTER 01

1034 Words
ICE'S POV "FELIX, sigurado ka na okay lang sa kapatid mo na bantayan ang mga bata?" Inalis ko ang aking paningin sa labas ng bintana bago hinarap si Felix, ang asawa ko. Tila nahihirapan siyang itali ang necktie niya kaya naman bumuntong hininga ako at lumapit sa kanya para tulongan siya. Kahit ang totoo niyan ay alam ko na sinadya niya iyon pero hindi ko na lang binisto ang lokong `to. Namana siguro ng mga anak namin ang kakulitan nila kay Felix. Sa totoo lang, hindi parin maialis ang pag-alala ko sa tatlo. Lalo na nasobrahan ng kakulitan. Walang nagtagal na mga katulong sa amin dahil sa sobrang kulit. Hindi ko nga alam kung bakit ganun sila eh. Hindi natuloy 'yong pagtali ko sa necktie niya nang bigla niya pinalupot ang kanyang kamay sa baywang ko at hinala. Psh. Ano ba naman itong si Felix, sobrang landi!—agh! "I already talk to him about taking care of our boys. And he said OKAY lang sa kanya, buttercup." I don't know why, kahit na kinikilig ako ngayon ay pansin ko na may hindi tama sa sinabi niya. "Nakausap? Kailan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Basta. Nakausap ko na siya, siya pa nga ang kumuha sa kanila. Bakit?" "Kasi, hindi ko kasi maimagine na nag-aalaga si Caleb eh. Paran—" "Huwag ka nang mag-alala. Isa pa, alam ko na hindi niya papabayaan ang anak natin." Pero ang ngiti niya na para bang pilyo? Hmm. Bahala na nga. CALEB’S POV Halos 'di na maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa tatlo. Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na tawanan at sigawan nila. "Harhar!" "Ahoy!" Kasalukuyan naglalarong sila na tila piratang nag-aaway, wala sanang problema iyon para sa akin kung maglalaro sila—OO walang problema kung naglalaro sila sa labas ng bahay pero hindi, eh. They were playing inside my house and now the once clean and neat place became a totally mess! "Test it, yo…you monkey!" Tumalon si Clarrence mula sa sofa at tumakbo palapit kay Lawrence, siguro nagtaka na kayo 'no kung pano ko sila nakilala? Dahil lang sa bracelet na suot nila. Ngayon ko lang kasi napansin na may nakaukit sa bracelet na pangalan nila at iba din ang kulay kaya agad ko nakilala sila. Bakit ba nagpakahirap ako noon na hulaan kung sino sila kung meron naman pa niyon? "Test daw, oh?!" tumatawang sabi ni Terrence na sinangga niya ang plastic na espada gamit ang shield. "Ahoy! Mali ka! Mali ka, Clarrence! Taste `yon!" pagtatama naman ni Lawrence. "Tse! Pareho lang `yon! Kahit sa laro ba naman ay itatama niyo 'ko?" Napapailing na lamang ako at naglakad patungo sa kanila para pagsabihan. Sa sobrang likot nila ay nasagi sa likuran ni Terrence yung maliit na pinaglagyan ng telepono kaya hayun nahulog, rinig na rinig ko pa ang malakas na kulampog no’n. "PATAY!" "PECHAY!" Sabay pa napalingon sa akin ang tatlo tila takot na takot na makita ang reaksyon ko. Isang araw palang, pero sa isang araw ay dami ng kasalanan nagawa sa akin. "Sorry, uncle." Nangingiyak na lumapit sa'kin si Terrence. Pano ko ba mapagalitan ito? Napakamot ako ng marahas at pilit na ngumiti. Hinawakan ko ang ulo niya, parang bola lang ang laki ng ulo niya eh. haha! "Okay, kakalimutan ko itong nangyari ngayon basta sa susunod kapag maglaro kayo ay sa bakuran na. Huwag dito sa loob ng bahay, baka sa susunod ay 'di na ang telepono ang masira ninyo." Kung hindi ba naman iniwan ni Kuya Felix sa akin ang tatlo kong pamangkin ay wala sanang problema. May meet up dapat ako sa client ko ngayon, she a real hot babe after I saw her profile picture in her social media and I don't want to miss it. Lalo na’t I'm hitting two birds in one stone—trabaho tas chikababes. Pero anong magagawa ko, eh, nandito na ang tatlong ito rito sa bahay ko. Ang problema lang ay kung sino ang mag-aalaga sa kanila? Maliban sa akin ay walang tao rito sa bahay na pwede kong pag-utusan. "Talaga po?" "Oo." "Okay po!" Nagningning na naman ang mata niya at saka niyakap ako ng mahigpit. Ang cute nila, kung hindi lang talaga bipolar ang triplets na `to. Growl. Out of nowhere, may narinig akong ingay. Noong una ay nagtaka ako kung ano iyong ingay pero nang sinipat ko ang orasan ay malapit na palang mag0-alas dose! Inalis ko ang tingin sa oras at dumako ang paningin ko sa tatlo. Kung hindi ako nagkakamali, siguro’y gutom na ang mga ito pero hindi lang sinasabi sa akin. No wonder ang ingay ng kanilang mga tiyan. Anong gagawin ko ngayon? Saglit na napaisip ako. Hindi ko talaga sila pwedeng iwan rito sa loob ng bahay dahil baka kung anong aksidente ang mangyayari kapag iniwan ko sila. Isama pa na nag-leave ang kasambahay ko ngayon dahil namatayan ito ng anak at next week pa yata ang balik nito dito. Saglit na napaisip ako at ilang sandaling nakalipas ay napabuga ako ng hininga sa inis. Mukhang wala talaga akong choice kundi isama ang mga ito sa lunch date ko ngayon. "Gutom na kayo?" "Ay hindi, Uncle!" Sarkastikong pakli ni Clarrence sa `kin. Kumunot ang noo ko at humugot ako ng malalim na hininga. Caleb, calm down, they’re just a bunch of kids. Kapag hindi ko kinalma ang sarili ko ay baka matamaan ko na sila, lalo na itong si Clarrence ng isang dagok sa ulo. "Dinig mo naman ang ingay na ginawa ng tiyan ni Clarrence 'di ba?" Sabi naman ni Lawrence na tila `yon na ang pinaka-obvious sa lahat. "Opo. Ipagluluto niyo po kami?" Tanong ni Terrence. Ako? Magluluto? Aba, hindi 'no! Hindi ako marunong magluto, why bother? Pwede naman um-order sa restaurant o kundi man ay ipagluluto lang ako ng mga naging girlfriend ko. "Hindi. Pupunta tayo sa isang restaurant, doon tayo kumain at kailangan niyong maging behave dahil nakakahiya sa makakasama natin." "Hala, hala! Okay po!" pumalakpak pa si Terrence. “Pramis namin behave kami!" Tinaas pa ni Clarrence ang kanyang maliit na kamay at nangako pa, pero hindi ako naniniwala sa kanya.   "Promise." Pagtatama na naman ni Lawrence. Sana nga, dahil kung hindi naku! Patay kang bata ka talaga!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD