PROLOGUE
Dear Caleb,
Kung nababasa mo ang sulat kong ito ay siguro ay wala na kami dito ng hipag mo, sinadya ko talaga sa ganitong paraan ang ipaalam sayo dahil alam ko na mahihirapan akong kumbinsihin ka. Sana maintindihan mo, Caleb, minsan lang naman kami na maging makasarili at ikaw lang tao ang aming naisipan na pwedeng bantayan ang mga anak namin dahil wala ang lolo’t lola nila ngayon. Nasa sagada sila ngayon at nagbakasyon. Walang magbabantay sa kanila. So, kung pwede lang ay ikaw muna ang bahala sa mga anak namin habang wala kami ni Ice. As much as we want to bring them along but we can't. I want to spend some time with my beloved wife alone. Kilala mo naman ang tatlong `yan, makulit at hindi kayang pumirmi sa iisang lugar. Natatakot kami na kapag dinala namin sila sa paris ay baka mawala sila. Huwag kang mag-alala, nasabihan na namin sila na magpakabait habang nakatira sila sa bahay mo at nangako naman sila na magpakabait habang wala kami. Isa pa, hindi naman siguro matagal ang one week, di ba? Sisiguraduhin ko 'pag balik namin ni Ice ay dadalhan ka namin ng pasalubong. Thanks, bro!
Sincerely yours,
Felix Xavier Avison
Naningkit ang aking mga mata habang binabasa ko ang sulat ni Kuya Felix. For God’s sake! Hindi nila pwedeng iwan dito sa akin ang mga anak nila na hindi man lang kinukonsulta sa akin ng personal! To think, alam naman niya na wala akong alam sa pag-aalaga ng bata, lalo na't hindi lang isa ang aalagan ko!
Lumipat ang tingin ko sa tatlong batang lalaki na tahimik na nakatitig sa akin. Wala akong amor sa mga bata dahil sakit lang sila sa ulo lalo na ang tatlong ito. Napaka-cute, maamo ang mukha. Parang hindi gagawa ng kalokohan pero ang totoo niyan ay hindi.
"s**t! Bakit ba niya sa akin pinagkatiwala ang tatlong ito?! I am not a nanny and I also have a life to ran, y’know!"
"Uncle." Namimilog ang asul na mata ng nakasuot na bunny suit, `di ko matukoy kung sino sa kanila si Clarrence o Terrence. Triplets kasi ang anak ng kapatid ko at identical pa pero gayon pa man ay may isa sa kanila na madali kong matukoy at iyon ang isa pa nilang kapatid na si Lawrence. Sa tatlo kong pamangkin ay si Lawrence kasi ang nag-iisang light brown eyes habang ang dalawa ay asul na namana sa kanilang ina.
"What is it, Terrence?" Hula ko lang iyan and I’m not sure whether this little fella is Terrence or Clarrence.
Lumapit siya sa akin at ang asul na mga mata niya ay nagsimulang mangilid ang luha. "A-Are...you gawna kick us owt?"
Makita ko palang ang tingin na iyon ay parang nakaramdam ako ng guilt pero hindi rin naman ako masisi dahil wala talaga akong ideya sa mga bata. Kaya nga hangang ngayon ay hindi pa rin ako nag-aasawa dahil ayoko ng commitment.
"Dummy, it's going and out!" pagtatama ni Lawrence sa kapatid.
Nang marinig ko iyon ay parang gusto kong palakpakan. Hanep! Matalinong bata `to `pag laki niya.
"Pareho lang `yon, Lawy!" Nanghaba ang nguso niya sa inis nang itinatama ni Lawrence ang mga salitang hindi niya mabigkas ng tama pero gayon pa man tinama pa rin niya iyon. Nag-angat ulit siya nang ulo at tiningnan ako. “Uncle Caleb, are you going to kick us out?” Mas lalong nangingilid ang luha niya habang nakatitig siya sa akin. Lumambot ang puso ko nang makita ko iyon. Siguro nga’y totoo ang sinabi ng kapatid ko na magpapakabait ang mga ito habang nandito ang mga ito sa poder ko.
Napabuntong hininga na lang ako at nagsimulang pumipitik ang ugat ng sentido ko. Paano ko ba sasagutin ang tanong ng batang ito na hindi ko siya masasaktan? " Terre—"
Pero bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay ang kaninang malaanghel na mukha ng pamangkin ko ay biglang nagbago at bago pa ako makapag-react ay naramdaman ko ang sakit sa binti ko matapos akong sipain ni Terrence. Kahit na maliit ito at hindi kasing lakas ng matandang tao ang sumipa sa akin pero masakit pa rin iyon. "Ouch! What the heck was that for?!" Naningkit ang mga mata ko na nakatingin sa pamangkin. Dammit! Two faces talaga ang batang ito!
Kita niyo na?! Isa ito sa dahilan kaya ayaw kong alagaan silang tatlo dahil ubod silang bipolar, hindi mo alam kung anong iniisip nila. Sa edad nilang apat na taon ay mapanlinlang na!
Hindi na ako magtataka kung bakit walang katulong ang nagtatagal sa kanila dahil sa ugali ng mga ito.
"Don't call me Terry! Ako si Clarrence! Tandaan mo iyan, matandang hukluban!" s**t! Hindi ko naman kasalanan di ko siya nakilala eh! Kasalanan ko ba `yon?!
"Oo nga! Why ba you always mistook us?!" Nameywang pa ang isa na nakasuot ng panda suit sigurado na akong si Terrence ito. Tiim bagang tumayo ako ng maayos, ginulo ko ang buhok nilang tatlo sa inis. Ang cute talaga nila, as in. Sobrang cute, sarap pakpakin ng pisngi hangang sa wala ng matira sa pisngi nila—siyempre hangang sa isipan ko n alang iyon. Even though they always get on my nerves, ay hindi ko kayang pagbuhatan sila ng kamay. Pilit na ngumiti ako sa kanilang tatlo. May date pa naman sana ako ngayon ngunit hindi na matutuloy `yon dahil sa kanila.
"Hindi pa ba obvious `yon? You three look the same pero mas madaling makilala si Lawrence dahil sa kulay ng mata niya. But the two of you?" Napapailing muna ako bago pinagpatuloy ang sasabihin. "It's hard for me to identify which one of you is Clarrence and Terrence."
Umatras si Clarrence at may binulong sa dalawa niyang kapatid, bulong na narinig ko naman. "Kailangan atang uminom ni Uncle Caleb ng mem...memooooreyss plas!"
"Oo nga! Mas matanda ng ilang taon si Daddy sa kanya pero kilala pa rin niya tayo. Siya? Hindi. Haha!" Segunda ni Terrence at nakipag-high five pa sa kanyang kapatid.
"Memory plus, Clarry." Pagtatama na naman ni Lawrence kay Clarrence.
"Ano ba, Lawy? Huwag mo na nga ako eytama pareho lang `yon!" Ah, sasakit na ang ulo ko sa tatlong ito. Hindi pa nga umabot sa isang oras ay ganito na katindi ang sakit na ulo ang binigay nila sa akin, pano pa kaya one week?!
"Pumasok na nga kayo bago pa magbago ang isipan ko." Binuksan ko ang pintuan upang papasukin sila. Iniwan kasi silang tatlo sa harap ng pintuan ng bahay ko ng driver nila at hangang ngayon ay nandito pa rin kami sa harap ng pintuan na nag-uusap. Pambihira talaga ang tatlo, nang makapasok na sila ay nagsitakbuhan sila doon sa sofa na para bang sila ang nagmamay-ari ng bahay, tumatalong pa kaya naman mabilis na sinaway ko silang tatlo. "Huwag kayong magtatalon diyan baka masira ninyo iyan eh."
Nanghahaba pa ang nguso nila bago sinunod ang utos ko. Good. Marunong naman palang sumunod eh. Kung ganito naman pala ka masunurin ang triplets ay wala akong problema. Pwede ko din silang papasukin sa daycare o di kaya’y mag-hire ng katulong para magbantay sa kanilang tatlo at sana hindi mapurwisyo ang magiging nanny nila.