Akhira's Pov "What's wrong with you? Bakit ang tagal mong magbukas ng pinto?" Natigilan ako sa pagbukas ng pinto ng banyo nang marinig ang sinabi ni Kai. Pansin ko sa kanyang boses na pilit nitong pinipigilan ang sarili para huwag lang mapasigaw. "None of your business, young man," walang ganang sagot ni Adrian ang sumunod na narinig ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto bago ko inilabas ang aking ulo mula sa banyo at pasimple silang sinilip. "None of your business my ass, old man," nang-uuyam na sagot ni Kai at saka padabog na umupo sa sofa. Sumunod ang mga mata ko kay Adrian na naglakad patungo sa bintana at sumilip sa ibaba niyon. Nanatili siya doon ng ilang segundo, tila sinisiguro na clear ang kanyang area para iwas problema. "You look like an idiot," natatawang sabi ni Kai