“Tama na iyak Maria aksidente lang lahat at walang kagustuhan ang sino man na mangyari yon kay Bang-bang. Tumahan ka na at baka mamaya mahirapan ka pa ulit huminga." Sabi ko ng inaalo namin si Maria para maibsan kahit bahagya ang nararamdaman niyang kalungkutan sa pagkawala ng kanyang kaibigan.
“Lucille kuha ka nga ng tubig at nang makainom si Maria. Baka atakihin na naman siya ng hika niya tayo pa mahihirapan nito sa pagdala sa ospital gayon na hating gabi na at wala na tayo masasakyan pa papunta ruon." Aniya ko ng utusan si Lucille na kumuha ng isang basong tubig.
Magkakaibigan kaming tatlo at magkakasama sa iisang bahay at kumpanya na kung saan kami mga nagkakila-kilala nuon ng magsipag-apply kaming tatlo at magkasabay-sabay na rin na natanggap.
I'm Elisa, 24 years old. Pamilya ko wala rito at hindi ko kasama ng dahil nasa ibang bansa na sila mga naninirahan habang ako naiwan rito sa Pilipinas ng di ako pumayag na sumama sa pamimilit ng aking Papa na siyang nag-asawa na rin ng iba. Hindi sa ayaw kong makasama sila. Syempre ibang pamilya na niya iyon. Nang mawala si Mama, para na rin gumuho ang mundo ko. At nang mag-asawa si Papa, hindi ko na rin siya pinigilan ng dahil sa mabait naman ang napangasawa niya. May mga kapatid na rin ako sa kanya na kung minsan ay tinatawagan rin nila ako.
Gusto ko lang talaga magstay ng Pilipinas ng ayaw kong iwanan si Mama mag-isa kahit nasa heaven na siya. At itong si Lucille at Maria ang naging pamilya ko simula ng naiwanan ako rito nila Papa.
“Maria eto na yung tubig uminom ka na." Sabi ni Lucille at iniabot kay Maria ang baso na may tubig.
“Salamat! Pasensya na kayo at pinag-alala ko pa kayo." Aniya ni Maria.
“Wala yon para saan na magkakaibigan tayo?"
“Tama nga naman si Lucille, Maria tayong tatlo lang naman ang magkakasama sa ilang taon bakit di pa tayo magdadamayan." Nginitian ko siya kahit alam kong ako rin ang siyang may kasalanan kung bakit masama ang loob ni Maria sa pagkawala ng kaibigan niyang si Bang-bang.
Ako ang siyang may kasalanan kung bakit namatay si Bang-bang na itinuring niyang kaibigan mula ng mabili namin ito sa isang pet shop habang nag-iikot-ikot kami nuon sa Mall.
Napabuntong hininga ako at napahugot pang muli ng malalim ng makita ko ang mugtong mata ni Maria. Nakokonsensya ako at parang di ko na makakaya na di sabihin sa kanya at ilihim pa.
Nakokonsensya na ako ng muli na naman siya umiyak. Umiling si Lucille sa pamimigil muna na huwag sabihin rito ang tunay na nangyari ng makawala si Bang-bang at hindi ko napansin na nakalabas pala rito sa bahay. Sa isang bahay kasi marami kami nagkakagulo ang lahat at hindi ko napansin na si Bang-bang pala ang pinagkakaguluhan nilang hulihin ng sa paglakad ko siyang daan nito ng dahil sa pagtakbo habang hinahabol-habol ng ilan sa mga kasama namin rito sa bahay.
“Huwag mo muna sabihin sa kanya ngayon baka lalo lang sumama ang loob niya at magalit siya sayo. Lalo sa akin na alam rin ang tunay na nangyari sa pagkamatay ni Bang-bang."
“Akala ko ba ikaw ang unang-una na natatakot na malaman ni Lucille. Bakit ngayon na nais ko ng aminin sa kanya ngayon ayaw mo na?" Sabi ko kay Lucille habang nagpapabaling baling ako ng tingin sa kanila ng umiiyak pa ring si Maria.
“Basta saka mo na sabihin sa kanya. Hayaan muna natin na makalimutan niya ng bahagya o matapos ang pagluluksa ni Maria." Aniya nito at hanggang makatulog kaming tatlo dala ko ang isipin kung dapat ko na bang sabihin ang totoo.
Hanggang kinaumagahan at makapasok na kami sa opisina. Naiisip ko pa rin ang pagsasabi kay Maria ng totoong nangyari sa kanyang alaga.
“Elisa"
“Elisa"
Napasinghap ako ng mapansin ko ang pagtawag ni Sir Troy.
“Sir Troy sorry po..."
“Come to my office." Sabi nito ng di na pinatapos ang pagsasalita ko.
Magpapaliwanag sana ako ng bigla nalang akong pinapapasok sa opisina niya.
Bakit kaya?
“Elisa how many times ko ipapaalala sayo na schedule mo ako ng meeting with Mr. Cayetano? Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na naman?"
“Sorry Sir Troy" aniya ko humingi ng paumanhin sa kanya mula sa galit nito.
“Sorry? Yan nalang ba sasagot mo sa tuwing magkakaroon ka ng mali? Gosh! Elisa pumunta ako sa restaurant na sinabi ko sayo na ipabook mo para sa meeting namin ni Mr. Cayetano at masama wala pa palang book roon dahil di ka tumawag para confirm ang book na sinabi ko sayo. So, nakiusap pa ako to book me into rush dahil iniisip ko dadating si Mr. Cayetano. Pero ang mas masaklap sa ginawa mo walang alam si Mr. Cayetano na may meeting ako with him. So, napahiya ako ng dahil sa nag-iintay ako ruon ng wala palang dadating at wala akong aantayin." Napahugot pa siya ng hininga.
Si Sir Troy na galit na galit sa nagawa kong kapalpakan. Habang sinesermunan niya ako labis rin kaba ko. Kasi nga ramdam kong galit na galit talaga siya.
“You may go out." Sabi pa nito ulit.
“Sorry na Sir Troy. Hindi na po mauulit." Sabi ko rito pakikiusap dahil galit ito sa maling ginawa ko.
Baka alisin pa ako sa trabaho. Ayoko at masaya na ako rito kasama mga kaibigan ko.
“I don't need your apology. Get out!" malakas na boses na sinabi pautos.
“Sir Troy naman. Alam kong mali ako pero patawad na po." Malambing na paghingi ko na paumanhin.
Minsan talaga may kasungitan si Sir Troy pero minsan mabait naman. Kuha ko na rin kiliti niya pero minsan talagang paggalit siya galit talaga. Hindi ka na makakasingit pa. Minsan mga magtatalo pa kami pero minsan naman sobrang bait.
“Sir Troy ititimpla ko nalang kayo ng masarap na kape." sabi ko makabawi man lang sa nagawa kong kasalanan ng tahimik na ito na nakaharap sa mga trabaho na nakapatong sa kanyang lamesa.
Hindi siya kumikibo pero lumabas na ako ng office nito at nagtungo sa pantry para ikuha siya ng kape. ohhhhh!
Nakahinga rin ako. Halos manikip yung dibdib ko sa lakas ng kaba ko habang nasa loob at kinagalitan niya. Buti nalang at hindi na siya kumibo ng alukin ko ng kape.
Pero yung tiyan ko yung kangina pa ayaw tumigil at panay ang ikot at matitinding pagkulo.
Outch! Ang sakit kaya't lakad na tinakbo ko muna ang banyo para magbawas. Hayyy! Nakahinga rin ng makaupo sa inodoro at ipinikit ko ang mata ko.