CHAPTER 1
“Elisa papaano na yan? Papaano natin sasabihin sa kanya na patay na si Bang-bang? Papaano natin aaminin kung papaano siya namatay at isa lang iyon aksidente? Kinakabahan ako Elisa. Tiyak na magagalit siya oras na malaman niyang tayo ang siyang dahilan kung bakit namatay si Bang-bang. Hindi ko ata makakayanan na magalit siya sa atin at lalo na mahalaga sa kanya iyon. Elisa mag-isip ka naman please. Malaking gulo ito oras na malaman na niya ang katotohanan na nababalot sa pagkakamatay ni Bang-bang."
Papadaan ako sa isang bahagi ng opisina ko ng naraanan ko ang dalawang babae na nag-uusap at seryoso mukhang takot na takot pa ang isa. Aksidente kong narinig ang lahat mula sa umpisa na kanilang pinag-uusapan.
Murder? biglang umakyat ang kaba sa dibdib ko ng marinig iyon. Hindi ko sukat akalain na isa sa mga empleyado ko ang siyang suspect sa pagkamatay ng tinutukoy nilang Bang-bang. Sino kaya iyon? At sino yung tao na tinutukoy nila na maaari na magalit sa kanila.
“Hanggang kelan natin itatago kay Maria ang nangyari kay Bang-bang? Elisa magsalita ka naman." Sabi pa muli ng isa.
Sa pagkakatanda ko si Lucille ang babaeng takot na takot habang si Elisa na kanyang nabanggit ay ang babaeng kanyang kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa sumasagot mula sa maraming sinabi ni Lucille sa kanya.
“Elisa! Ano ba." Pangungulit ni Lucille sa kanyang kaibigan at pilit na pinasasagot ito mula sa takot niya kay Maria. Empleyado ko rin rito sa kumpanya at kaibigan rin nilang dalawa.
Mahaba pa ang kanilang pinag-uusapan pero isa lang naging sagot sa lahat ng sinabi ni Lucille kay Elisa. “Manahimik ka muna. Hindi pa ako ready sabihin at ipaalam sa kanya ang nangyari kay Bang-bang. Sa ngayon itikom mo muna yang bibig mo at alisin mo ang takot na nararamdaman mo. Masasabi rin natin sa kanya pero as of now. Ilihim muna nating dalawa. Hayaan muna nating isipin niya kung sino ang nakapatay kay Bang-bang. Sa ngayon tatahimik muna tayong dalawa. Naintindihan mo ba?" Sabi pa ni Elisa sa kanyang kaibigan na si Lucille na tumango nalang.
Matapos nilang mag-usap. Tumingin sila sa paligid habang ako ay nagkumbli muna sa isang sulok kung saan ay hindi nila ako makikitang dalawa. Napakasikip naman rito. Naibulong ko habang sa may makitid na sulok ako nagpilit na pagkasyahin ang aking sarili.
Matapos nilang makaraan saka ako lumabas sa aking pinagtataguan at duon ay maingat akong sumunod sa kanilang paglalakad. Iisang way lang naman din kasi ang kanilang nilalakaran kung saan ang daan patungo sa aking opisina.
Bago lang ang kumpanya ko na may trenta lang na empleyado. Mayaman ang pamilya ko pero mas pinili kong magtayo ng sarili kong kumpanya sa way na pamamaraan ko. Kaya't napili ko ang isang Toy Company na sinimulan ko sa isang maliit na opisina na may dalawa lang na empleyado hanggang umabot sa trenta na ngayon.
Wala pa akong sariling factory. Pero may kumpanya akong naging kapareha ng aking negosyo na siyang gumagawa ng lahat ng designs na gusto ko. Ipapasa ko lang sa kanila at sila na bahala maghanap at mag provide ng mga materials na inirequest ko para sa kanila at para sa mga toys design na ginawa ko.
Pagdating rin sa production sila na rin ang gumagawa lahat at final testing at checking nalang ako sa oras na tapos na ang sample product na inisend ko sa kanila. Pagkasend nuon nila sa akin ng mga nagawa nilang sample products. Check ko kung pasado sa quality na sinabi ko sa kanila. Iniexplain ko naman mabuti para hindi magkaroon ng problema sa production at materials na nirerequest ko sa kanila.At kung wala sila at di nila maprovide minsan nirerevised ko naman din yung design at materials basta di malalayo sa quality at appearance na gusto kong mangyari sa laruan na dinesign ko. Medyo mabusisi kasi ako pagdating sa final product oras na matanggap ko na ito.
Iniisip ko rin mabuti at pinag-aaralan kung bebenta na sa market lalo at mga kids ang aming target. Meron rin middle age pero bibihira sa mga toy collector siguro baka sakali pa bumenta ito. Pero ang number one sa aking company target ay ang mga kabataan na mahihilig sa laruan. Specially for the kids na talagang mahihilig magsilaro.
“Sir Troy!" Nabigla ata sila ng mapalingon at mapansin ako sa likod.
“Sorry po! Hindi namin kayo napansin. Kangina pa ba kayo sa likod?" Nagulat rin ako sa biglang paglingon nila.
Napansin at naramdaman pala nila akong nakasunod sa dalawang babaeng kangina ay narinig kong namumublema at takot na mga nag-uusap.
“Hindi naman. Kararating ko lang galing sa labas nag-ikot sa mga store." Sagot ko sa kanila. Halatang kinakabahan yung isa dahil sa itsura pa lang ni Lucille mababakas na ang kanyang takot at malakas na kabang bumabalot sa kanya. Habang si Elisa hindi mo mababakasan ng kanyang pagkakaba. Nakatayo lang ito ng tuwid sa harap ko habang nakatingin ako sa kanila.
Kakaiba talaga itong isang ito! Si Elisa na parang wala talagang kinatatakutan. Kahit nung umpisa pa lang siyang mahired ng aking kumpanya. Pansin ko na agad rito ang pagiging relax nito sa kanyang trabaho kahit kung minsan nasisigawan ko siya oras na may mali sa aking pinagawa.
“Kamusta pala rito sa opisina? May mga dumating na bang bagong shipments?" Tanong ko pero si Lucille ang siyang sumagot.
“Wala pa Sir Troy!" Sagot nito.
“Ikaw Elisa nagawa mo ba yung hinihingi ko sayong reports?" Tanong ko rito.
“Yes Sir! Tapos na po." Relax na relax lang niyang sagot sa akin.
Pero may time na pabalang din siyang sumagot yung tipo na hindi na kami magkaintindihan dahil sa pamimilit ko ng aking gusto. Lalo kung may ipinipilit akong hindi niya rin gusto at sa kanya ko ipagagawa o kaya sa tuwing sa kanya ko naisisisi ang gawa at kapalpakan ng kanyang mga kaibigan.
“Sige! Pakidala mo nalang sa office ko later pag okay na kayo. Lunch break niyo pa di ba?" Tanong ko at tumango si Lucille.
“Paki follow up naman ng mga shipments na paparating. Paki email mo na sila para kulitin." Utos ko naman kay Elisa sinabi ko bago siya magtungo sa aking opisina kanya ng tawagan o kaya mag mail siya sa production team na may handle sa mga products na aming binebenta.
“Okay Sir! Noted na po. Ako na pong bahala mamaya. Updates nalang din kita oras nagreply agad sila mula sa mail ko. Or if macontact ko agad si Ms. Ly sasabihin ko agad ang sagot niya." Sagot na sinabi ni Elisa at tumango nalang ako.
Lumakad na ulit ako patungo sa aking opisina at pumasok na sa pinto. Nakahinga rin ako ng maluwag mula sa mga aksidente kong narinig mula sa dalawa iyon. Murder! Hindi mawala sa isip ko na mamamatay tao pala si Elisa. Bigla tuloy akong kinabahan. At may takot na namuo sa sarili ko kung sakali na totoo nga ang aking mga narinig. Pero mananatili muna akong parang walang narinig at makikiramdam sa mga mangyayari. Sa ngayon ililihim ko muna ang lahat habang di pa ako sigurado sa mga narinig ko. Bulong na nasambit ko habang nakaupo na sa aking mesa.