Chapter 12

2050 Words

Kimberly Ann Martinez Hinatid ako ni Jonathan hanggang sa bahay pa mismo na inuupahan namin. Kaya para kaming mga celebrity sa dami ng mga kapitbahay namin na tumaas ang leeg kakasilip kung sino ang nasa sasakyan. At nang bumaba kami umugong kaagad ang bulungan nila. Sanay na rin naman ako sa mga ganitong senaryo. Iwan ko lang sa isang kasama ko. "Sabi ko naman sayo, wag mo na akong ihatid hanggang dito," paninisi ko sa kanya. "It's okay. At least, alam ko na ngayon kung saan kita pupuntahan," sagot niya sa akin. Napailing na lang ako. Kahit naman hindi ako nito ihahatid alam kong malaman niya rin kung saan ako nakatira. Napakunot ang noo ko ng bumaba rin siya sa sasakyan niya ng bumaba ako. "Bakit bumaba ka pa?" tanong ko sa kanya "Gustong silipin ang bahay nyo," sagot niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD