VON DREW'S POV
"Sir, nandito po si Mr. Chen. Sabi ko nga po na wala syang appointment sa inyo pero—"
"Papasukin mo sya, George." tinatamad na napasandal ako sa swivel chair dito sa opisina ko. Sinadya kong papuntahin sya dito at eto nga, nandito na sya agad.
How desperate!
"Good morning, Mr. Montecarlo." ngiting ngiting bati nito pagpasok na pagpasok pa lang sa opisina ko. Tinaas ko ang kanang kamay ko para paupuin sya.
"Can I see your proposals?" walang paligoy-ligoy na tanong ko. Nagningning kaagad ang mga mata nya. Tsk! How I despise this arrogant jerk!
"Sure! Here. I hope, we'll have a great partnership." Puno ng kumpiyansa sa sariling pahayag nito.
Tumaas ang isang kilay ko dahil sa kayabangan ng kaharap. Ni hindi ko pa nga nakikita manlang ang proposals nya, inisip na agad nito na magiging magkasosyo kami?
"Confident enough? Sabi nga nila, wag na wag munang magbibilang ng sisiw habang hindi pa napipisa ang itlog. And in your case, wala ka pa ngang manok na napapaitlog, naghihintay ka na agad ng lalabas na sisiw. Tandaan mo, Mr. Chen, ang business, hindi lang puro yabang. Ginagamitan din yan ng utak." Dire-diretsong sabi ko. Well, he deserves those spicy words for her to keep his wits together.
His jaw cleanched. Kitang kita ko kung paano nya pinigilan ang inis dahil sa sinabi ko. Anong magagawa ko kung talagang weak at puro yabang lang sya? Dahil kung hindi sya ganun, wala sana sya sa harapan ko ngayon.
"Well, hindi naman ako basta lang nag-assume. Your brother already reviewed my proposals and he said yes to it. Confirmation and formality lang naman ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon." mayabang na sagot parin nito at mukhang hindi parin natatauhan. I hissed.
I can’t calm down. I f*****g can’t!
Hindi ako makapaniwalang may ganitong klaseng tao pa pala sa mundo. Sya nn nga itong kumakapit sa mga successful companies na tulad ng sa amin tapos kung umasta ay akala mo sobrang taas pa nya.
I just took a very quick look at his proposals at agad ding ibinalik yun sa folder at ibinalik sa kanya. I didn't bother to read it. The hell I would. This idea is simply pathetic. Having him in front of me is such a waste of time!
Kung walang kwenta ang gumawa, malamang na walang kwenta rin ang proposals na ito.
Takang napatingin sya sa'kin bago nagsalita.
"That fast? Whoa.. Hindi mo naman agad sinabing ganyan ka pala kabilis kausap. Sana pala ay saiyo na ako dumiretso at hindi sa Kuya mo." confident parin na sabi nito.
"Huh? What are you trying to imply, Mr. Chen? Hindi ba dapat na nalulungkot ka ngayon because.. I have just rejected your proposals?" I said emphasizing every words.
Kitang kita ko kung paano namilog ang mga mata nya sa hindi ko malamang dahilan. Well, it’s either of the two: He’s mad or He wants to kill me.
"What?! Akala ko ba pinapunta mo ako dito para sa deal na-"
"You're right. Pinapunta kita dito dahil may gusto akong ipagawa sayo which will serve as our deal bago ko tanggapin yung proposals mo."
Kunot noong napatingin naman ito sa'kin. "What is it? Kahit ano gagawin ko pumayag ka lang na mag-invest sa company ko."
"Lahat gagawin mo?" ulit ko sa sinabi nya.
"Yeah. Kahit ano pa yan, I’m willing to do it tanggapin mo lang 'tong proposals-"
"First, break up with Dianne." Walang ligoy na sabi ko.
Halatang nagulat sya dahil sa sinabi ko. Napatayo pa nga sya sa kinauupuan nya at hindi makapaniwalang nakatingin sa'kin.
"What?!"
He looks horrible now. Gusto kong tawanan sya ng tawanan sa mukha.
"Didn’t you hear me? I said, break up with your latest girlfriend. And if you’re gonna ask me why, well… let’s say I’m into her." direkta kong sagot sakanya. I saw him faint. Halos mawalan ng kulay ang buong mukha nya. Sinong hindi?
He owed more than 5 million pesos to Dianne at wala syang choice kundi bayaran lahat yun pag nakipag-break sya dito. Pero, kung tatanggihan ko yung proposals nya, billions ang mapapakawalan nya. So, if I were him, I will just choose to take my own darn life.
Tuliro sya at mukhang matagal bago na-digest ang sinabi ko.
"Hindi mo kaya? Well, madali naman akong kausap…”
Talking about pressure, man.
"G-gagawin ko. Just… give me 1 week to settle things-"
"3 days. I am giving you three days para makipaghiwalay sakanya. Pag hindi mo nagawa, say goodbye to this proposals." Sabi ko sabay pitik ng folder pabalik sa gawi nya.
Tulalang tumango ito bago tuluyang lumabas ng opisina ko.
"Easy." nakangising bulong ko nang makalabas na sya ng opisina ko. Pinaikot-ikot ko ang swivel chair ko at marahang pumikit.
Kung tuso ka, Kyle Chen. Well...
I am wiser than you.