NYX ARIANE'S POV
I’m currently checking my mails when Trish entered the office. Hindi maipinta ang mukha nito at inis na umupo sa table nya.
Anu nanaman kayang nangyari sa babaeng 'to?
"Anyare sayo, Trish? Mukhang Biyernes Santo yang mukha mo." Puna ko habang hindi sya iniiwanan ng tingin.
Inis na hinawi nito ang buhok na tumabing sa mukha dahil sa paglalakad ng padabog kanina.
"Yung Kuya mo kasi! Grrrrr! I hate him!" nakairap sa hangin na sagot nya.
Tumaas naman ang kilay ko. "Anong ginawa sayo ni Kuya? Don't tell me nagsagutan na naman kayo ng ganito kaaga?"
Kung may nakakabuo kasi ng araw ni Trish ay si Kuya Harley lang yun. At ito rin ang kalimitang nagiging dahilan ng pagkasira ng araw nya. Matagal na kasi nyang crush ang Kuya ko pero imbes na habul-habulin nya ito, tinatarayan at sinasagot sagot nya. When I asked her kung bakit nya yun ginagawa, isa lang ang palaging isinagot nya.
‘Ayaw kong magpaka-cheap sa harap ng kuya mo!ʼ
Ibang klase din ang way ng pagpapapansin nya eh, hindi ba? Pero ang totoo, sobrang marupok yan pagdating sa ngiti ni Kuya.
"Ano pa nga ba?" she rolled her eyes at humalukipkip. "Naku, Nyx! Pag ako talaga naasar sa Kuya mong yan, ipapatikim ko na sa kanya ang langit para mabawas-bawasan ang kasungitan nya!"
Napatawa ako dahil sa sinabi nya. Minsan talaga, malakas ang tama nyang si Trish. Lalo na pagdating kay Kuya Harley.
"Wala kasing lovelife yun. Hayaan mo na."
"Nyx naman! Paano naman magkakalovelife yun eh nuknukan ng suplado? Palapit palang yung mga babae, sasamaan na nya ng tingin. Haler? Minsan talaga, nagdududa na ko dyan eh. Hindi kaya may lansang itinatago yan sa katawan? What do you think?" sabi pa nito na nakahawak yung kamay sa baba na animo'y napakalalim ng iniisip. Napailing nalang ako.
"Kung bakla si Kuya, hindi mo na sana sya hinangaan ng ilang taon." nakangisi kong sagot sakanya. Nakita ko naman syang sumimangot.
"Sabagay. May point ka! Siya nga pala, Nyx!" sabi nito na nakataas pa ang hintuturo na para bang kanina nya pa sana iyon sasabihin sa akin pero naunahan sya ng pagiging marupok kay Kuya.
"What?” usisa ko.
"George informed me na magkikita daw si Sir Vodie at Kyle mamayang after lunch. It's about reviewing Kyle's proposal-"
"Magkikita? Where?!" nabigla kong tanong. Hindi pwedeng pirmahan ni Vodie yung proposal ng lalaking yun. No! Hindi ako papayag.
"Sa isa sa mga restaurant ng mga Montecarlo. Sa branch daw na pinakamalapit sa condo ni Sir Vodie."
Agad na nag-isip ako.
Teka? Medyo malayo rin yun dito ah. Napatingin ako sa relo ko at kung hindi pa ako aalis ngayon ay baka humahalakhak na sa tuwa ang walanghiya kong ex bukas. Agad na tumayo ako para magtungo sa parking lot.
"I need to go, Trish. Pag hinanap ako ni Kuya, ikaw na ang bahalang magdahilan. Bye!" paalam ko at nagmamadali nang lumabas sa opisina.
"Sure. Ingat!"
Five minutes before 1:00 PM ako nakarating sa restaurant na sinabi ni Trish. Nilinga ko ang paningin sa glass door ng restaurant at nakita ko ang isang pamilyar na likod. Kilalang kilala ko yun kahit nakatalikod pa.
Kyle Chen.
Nakayukong pumasok ako at umupo sa table sa di kalayuan. Nakita kong palingon lingon ito at halatang excited. Tsk! Sisiguraduhin kong hindi ka magiging part ng Montecarlo International!
Ilang sandali pa ay pumasok na ng restaurant si Vodie. Nakasuot lang ito ng polo na kulay puti with matching faded jeans and white rubber shoes at halatang hindi ito galing sa office. Nakita kong nag-shake hands sila bago umupo si Vodie.
Nakatalikod sa gawi ko si Kyle kaya hindi ko makita ang reaksyon nya. Tanging si Vodie lang ang nakikita ko mula dito sa pwesto ko. Nakapangalumbaba ito na parang naiinip. Hmmmm. Anu kayang sinasabi ng Kyle na yun sakanya? Kyuryoso kong tanong sa isip.
"Hi, Miss! Mind if I join you?" napalingon ako sa harap ng may isang lalaking lumapit sa table ko. Uminit agad ang ulo ko. Hindi sa pagiging bitter pero naiirita talaga ako sa mga lalaki mula ng nag-break kami ni Kyle. I feel like they all have motives for approaching me. Except syempre sa mga Kuyas ko.
"I’m sorry pero may hinihintay ako." Mahinahong taboy ko sa kanya. Pero hindi manlang ito natinag at tinawanan pa ako.
"Then, I’ll join you muna habang hinihintay mo yung kasama mo." Sabi pa nito sabay kindat sa akin.
Kunot noong tinignan ko sya ng masama. Nature na ba talaga ng mga lalaki ang lumandi kapag nakakita ng babaeng nag-iisa?
"I won’t mind waiting here alone. At isa pa, I don't need another companion. Kaya kung pwede, iba nalang ang samahan mo." Sabi ko sabay linga sa mga bakanteng table. I heard him let out a disappointing sigh before mocking me.
"Maganda sana, suplada nga lang.” bulong nito. Nag-make face lang ako at binalik ang tingin kina Vodie.
Nakita kong tumayo na ito pero nanatiling nakaupo lang si Kyle.
Ano kayang nangyari? Nagkapirmahan na kaya? s**t naman kasing lalaki yun, oh!
Pasimple akong tumayo para sundan ang papalayong si Vodie. Kailangan kong malaman kung napirmahan nya o hindi yung proposal. Nakita kong pumasok sya sa rest-room. Pasimpleng inabangan ko sya sa labas nun. Ilang sandali lang naman akong naghintay sa kanya.
Nang makita kong papalabas na sya, sinalubong ko sya kaya kunwari ay nagkabanggaan kami.
"Ouch!" kunwari ay daing ko sabay laglag sa shoulder bag na dala ko. Nakita ko naman syang agad na pinulot iyon kaya napataas ang kilay ko.
Infairness, gentleman naman pala.
"Here’s your bag. Are you okay, Miss?” agad na tanong nito nang salubungin ang tingin ko. Nanliit ng bahagya ang dati nang chinito n’yang mga mata bago muling nagsalita. “You look familiar. San nanga ba kita nakita?" nakahawak pa sa baba na tanong nito habang nag-iisip.
Magpapakilala na sana ako nang bigla syang magsalita ulit.
"Ah! Alam ko na! I think I saw you somewhere in my dreams Coz, you're always part of it..." ngiting ngiting banat nito. Pilit kong nilabanan ang pag-alsa ng mga kilay ko at pag-asim ng mukha ko dahil sa ka-kornihan nya.
Hindi ko lubos maisip kung paano bumebenta ang mga pakulo nito sa mga babae? Parang gusto na lang na umuwi at magpanggap na hindi ko narinig ang sinabi nya!
Hindi pa ko nakakahuma sa mga sinabi nya nang biglang dumukot ito sa bulsa at naglabas ng kung ano. He immediately handed it to me. At nang tignan ko iyon ay isa palang calling card. What the?
"Just call me up kung kailan tayo pwedeng mag-date. You see, I’m kinda busy now. So, see you very, very soon, dahlin’!" maharot na kumindat pa ito at nag-flying kiss sa akin bago tuluyang umalis.
Ilang sandali pa bago nag-sink in sa utak ko ang nangyari. Calling card? Date?!
"Sobrang kapal!" inis na bulong ko at padabog na lumabas ng restaurant.