TWO-WEEKS AFTER ay nagtungo si Quinn sa kompanya at kasama si Cora. Si Axel mismo ang naghatid sa kanila. "Bye… wifey. I'll pick you up this lunch. I Love you!" "Okay, hubby. I love you!" Maraming napatingin na mga empleyado kay Quinn, nang pumasok siya sa loob. "Good Morning, President!" bati ng mga empleyado. "Good Morning too!" tugon niya. Doon pa lang nalaman ni Cora na si Quinn pala ang presidente ng kompanya. Ang buong akala niya ay si Steela ang presidente. "Ma'am Quinn, ikaw pala ang presidente?" "Oo, Cora, at bakit? Ngayon mo lang ba nalaman?" "Oo, ma'am Quinn. Ang akala ko talaga ay si, ma'am Steela ang presidente dito." "Simula sa araw na ito, Cora. Huwag mo na siyang tawaging ma'am. Dahil hindi mo na siya amo at sa araw ding ito ay Quinn na lang ang itawag mo sa akin