"Nasaan ang amo mo?" Nasa kuwarto at mainit ang ulo." "Tawagin mo! May kailangan siyang malaman." "Kung makautos akala mo kung sino. Ikaw ang tumawag, ayaw kong istorbohin ang amo ko." Umakyat si Steela at nagtungo sa kuwarto ni Axel. Na kung makakilos ay parang siya ang may-ari ng bahay. Agad siyang kumatok sa pinto. "Sino 'yan?" pasinghal na tanong nito. "Si Steela. Can I come in?" "What are you doing here?" "May importante kang malaman." Binuksan ni Axel ang pinto at agad pumasok ang babae. Lumabas ang bata sa kaniyang kuwarto at bahagyang nakinig sa kanila. "Ano ang sasabihin mo?" "Itong mga larawan. Hindi ba ang iyong asawa ito? Ibig sabihin kaya siya umalis ay dahil pinagpalit kayo sa ibang lalaki. Siguro mas galante iyan kaya niya kayo iniwan!" diretsahang pahayag ni