"I understand, Quinn. And I can't blame you dahil alam ko ang naranasan mong hirap sa kamay ni Steela." At umupo siya sa tabi ng asawa. Hindi susuko si Axel, gagawin niya ang lahat upang maibalik sa dati ang kanilang pagsasama. Ang tamang gawin lang niya ngayon ay ang suportahan ang asawa sa kanyang gustong gawin. Pinulot niya ang pumpon ng bulaklak at muli niyang pinapahawakan sa asawa. Dahan-dahan naman itong hinahaplos ni Quinn at dinala sa kanyang ilong. "You like it?" tanong niya matapos amuyin ni Quinn. "Yeah, thank you." At may sumisibol na konting ngiti sa labi nito, ikinatuwa ito ni Axel. "I miss you so much, wifey…" madamdaming sabi ni Axel. "I miss you too! Mag-shower ka muna, I don't like your smell." Sabay yuko ni Quinn. "I'm sorry, hindi na ito mauulit." Tumayo siya at