Hinanda ni Axel ang kaniyang pagkain at si Cora naman ay inalalayan niya si Quinn, hanggang sa nakaupo ito sa kaniyang kama. "Susubuan na kita," presenta ni Axel. "Huwag na, kaya ko na." At kinapa niya ang mga pagkain sa lamesa. Huminto siya sa kaniyang pagsubo at bahagyang huminga nang malalim bago siya magsalita. "Anak, Cora. Puwedeng lumabas muna kayo sandali? May itatanong lang ako kay Axel." "Okay po, ma'am Quinn. Thorn, halika muna." "Okay." At malungkot na lumabas ang kanilang anak. "Noon bang nawala ako ay hinahanap mo ba ako?" seryosong tanong ni Quinn at nanatiling naka yuko lang ito. Nagpakawala nang isang malalim na buntong-hininga si Axel, bago ito sumagot. "Araw-araw kitang hinahanap Quinn. Halos mabaliw ako noong nawala ka. Ano ba ang nangyari?" Balik tanong nito