Nasa kotse na si Brix at ihahatid na sana siya ni Kaye kaso naiinis na ito dahil hindi ma-contact ang number ng papa niya. Minalas pa nang biglang abutan sila ng malakas na ulan. Na-traffic pa sila at nagbaha sa daan kaya sa sobrang inis ni Kaye . . . "Bumaba ka na!" "Ha? Sure ka, ate? Ang lakas ng ulan, o. Baka may payong ka diyan o jacket kasi lalamigin ako at magkakasakit?" "Wala akong pake kung magkasakit ka! Dalawang building lang 'yan, o! Lakarin mo lang. Bumaba ka na sabi, eh! Di mo ba nakikita? Traffic! Manang-mana ka talaga sa kuya mong ulol!" Biglang humagulgol si Brix na parang bata na mas ikinainis ni Kaye. Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse ngunit mabilis pa sa kidlat na hinawakan siya ni Kaye. "Brix, sana wala kang pagsasabihan kahit sino man sa nangyari sa atin k